13th month pay ng isang salon owner, ginulat ang mga netizens!

160 Shares

Nagbigay ng bonggang pa-13th month pay ang isang salon owner na si Adarna Grande para sa kanyang mga empleyado.

Ani pa nga ng mga netizens na sobra-sobra ang 13th month pay na ibinigay para sa mga empleyado mula sa owner ng salon and wait there’s more, may bonus pa sila sa December.

Umaabot sa P30,000 pesos ang natanggap ng limang empleyado mula sa Adarna Grande salon dahil kahit na pandemic ay maayos parin ang serbisyo ng kanyang mga staffs.

Ang Adarna Grande salon ay makikita sa Las Pinas, Philippines kaya naman marami sa mga netizens ang napa-sana all na lamang.

Sa post na ibinahagi ng may-ari ng salon, malaki raw ang kanyang pasasalamat dahil sa mga biyayang kanyang natanggap dahil kahit sumailalim tayo sa pandemya ay mas lumaki umano ang kanyang kita dahil marami ang nagpapa-home service sa kanila.

Ani pa ng may-ari ng salon na ibinabalik lang niya ang mga biyayang kanyang natanggap at nagpapasalamat ito sa mga staffs ng kanyang salon na masisipag at sobrang deserved raw nila ang magkaroon ng 13th month pay.

POST PA NG SALON OWNER :

Minsan nagpapasalamat tayo sa Diyos sa sobrang blessings na binibigay Nya sa atin pero ang totoo nyan sinobrahan talaga ng Diyos yan para ishare natin ang sobra sa iba, ginagawa tayong instrumento ng Diyos para abutin ang mga nangangailangan.HAYAAN NYONG MAGING KATUGUNAN TAYO SA PANALANGIN NG IBA”

NETIZEN COMMENTS :

Grabe po na amaze po aq sa inyo…Sana lahat ng employer kagaya nyu po may mabuting puso hnd lng po dahil sa pera pro dahil naden po sa maunawain at napakamatulungin nyu po sa mga employees nyo kahit Hnd q kau Kilala ramdam q po Isa po kaung mabuting tao..nakakainspired po kau may konsiderasyon po kau sa mga manggagawa nyu po …More blessings to come and GODSPEED”

“GOD BLESS MORE TO COME PO SANYO SIR…tunay na pingppalaang taing mpgbigay lalo n po nkikita nyo n ms mbuti ang ibigay ng tama a5 ayos sa tao nyo ang alam nyong mkpgppsaya sknila..keep it up po..”

“Ang sarap Naman Po Magtrabaho Sa Inyo”

Copy link
Powered by Social Snap