80 anyos na Lolo, KULONG dahil sa pagnanakaw ng Mangga na kanyang TINANIM!


Maluha-luha ang 80-anyos na lolo na si Lolo Narding Floro na nakakulong sa Asingan Police Station dahil sa kasong pagnanakaw ng Mangga.

Ayon sa Post ng PIO-Asingan, gusto na raw ni lolo Narding na umuwi na sa kanyang bahay.

“Pinapitas ko ‘yung isang puno ng manga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun…” Saad ni lolo Narding.

Hinuli si lolo Narding sa bisa ng warrant of arrest noong January 13 sa Barangay Bantog. 

“Ang gusto ko sana makipagsundo,  maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo…”– Narding.

Ang korte ay may inilaang piyansa sa halagang P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nag-ambag ambag naman ang mga pulis sa Asingan para mabuo ang 6,000 pesos na pang-piyansa ni Lolo. Pero dahil Alert Level 3, hindi pa raw mapirmahan ang kanyang release paper. Sa ngayon, Ang Asingan Police ang nangangalaga sa lolo. 


1 2 3 5
Next Page