Aira Lipata natauhan na, pangalan ni Skusta Clee na pina-tattoo niya pinatakpan na

Usap-usapan muli ngayon ang controversial content creator na si Aira Lipata.

Ito ay matapos mapansin ng netizens ang tila pagtatakip niya sa kanyang tattoo na pangalan ng rumored boyfriend nito noong si Skusta Clee o Daryl Ruiz..

Matatandaang kamakailan lang ay nagpa-tattoo siya ng pangalang “Skusta Clee” sa kanyang katawan.

Ito ay sa kalagitnaan ng isyung siya diumano ang babaeng ipinalit ni Skusta sa dating partner nito na si Zeinab Harake.

Iflinex pa noon ni Aira ang tattoo niya ng pangalan ni Skusta.

Kaya naman naintriga ang netizens kung bakit ngayon ay tinakpan niya ang nasabing tattoo niya sa kanyang TikTok videos.

Ibinahagi kamakailan ni Aira ang isang video kung saan napansin ng marami na iba ang kanyang tattoo.

Hinuha naman ng netizens kaya ginawa ito ni Aira ay dahil natauhan na umano ito.

Isang user sa TikTok ang nagsabi sa kanya na binalaan siya na huwag magpa-tattoo at mukhang isinasapuso ni Aira ang payo.

Matatandaang na-link si Aira sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake.

Matapos mag-viral ang video, nagbahagi si Aira ng mensahe sa kanyang sarili tungkol sa heartbreak na kanyang pinagdadaanan.

Makikita sa video na ito na boksingero rin si Aira, at makikitang nagsasanay sa background ng video.

Si Aira Mae Lipata ay isang TikToker na kilala sa kanyang mga dance videos.

Bukod sa pagiging TikToker kilala din siya bilang isang social media star at content creator na naging popular sa kanyang mga sayaw at lip-sync na video.

Siya ay may higit sa 41,000 mga tagasunod sa Facebook, at 169,000 mga tagasunod sa Instagram gamit ang kanyang pangalan ng handle, Chieffaira.

Base sa kanyang IG profile, artista raw siya. Sa kabilang banda, mayroon siyang higit sa 1.8 milyong tagasunod at 11.8 milyong likes sa platform ng pagbabahagi ng video, TikTok.

Samantala, wala pa namang pahayag o reaksyon si Aira hinggil sa isyu ng pagtatakip niya ng ipina-tattoo niyang pangalan ni Skusta.