Malaki ang tiwala ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa source na nagkumpirma sa kanila na buntis nga ngayon ang sexy actress na si AJ Raval.
ICYMI, tila isang b0mba na pinasab0g ni Cristy ang binitawan niyang pahayag kamakailan sa kanyang programang “Showbiz Now Na” kung saan mariin niyang sinabi na totoong nagdadalang-tao ngayon si AJ.
At ang ama umano ng batang ipinagbubuntis ngayon ng sexy actress ay walang iba kundi ang rumored boyfriend nitong si TV actor Aljur Abrenica.
Kasunod nga ng pagbubunyag ni Cristy tungkol sa kalagayan ngayon ni AJ ay pinangangambahan naman niya ang magiging reaksyon dito ng asawa ni Aljur na si Kylie Padilla.
Bagama’t hiwalay na raw kasi sina Aljur at Kylie, legal pa rin ang kasal ng dalawa. Kaya naman maaari pa ring magsampa ng kasong adultery si Kylie laban kina Aljur at AJ.
Pahayag ni Cristy, “Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng syento porsyento. Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval. Hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila, na aming source tungkol sa isyung ito. Totoo po na nagdadalang-tao si AJ. Kaya yung pelikula niyang sinimulan, hindi na itinuloy. Naaano lang ba ako, sayang ‘tong batang ito!
‘Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam kong lalaking lalaki si Aljur. Kaya niya yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ. Ang nakaka-nerbyos, baka mamaya, may magsulsol kay Kylie Padilla. Hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila.”
Samantala, sa kabila ng rebelasyon ni Cristy tungkol sa diumano ay pagdadalang-tao ngayon ni AJ, wala pa ring pahayag o kumpirmasyon ang sexy actress at pati na rin si Aljur hinggil dito.