Aj Raval, isinilang na raw ang baby nila ni Aljur Abrenica ayon sa source ni Ogie Diaz

96 Shares

Isinilang na raw ng sexy actress na si Aj Raval ang baby nila ng rumored boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

Ito ay ayon sa talent manager-showbiz columnist na si Ogie Diaz.

Sa latest episode ng YouTube program niyang “Showbiz Update”, ibinahagi ni Ogie na isang source ang nagkumpirma sa kanilang nanganak na si Aj.

Ayon daw sa kanilang source, nanganak daw si Aj sa isang ‘payak’ na ospital sa Pasig City.

At para hindi makilala ng mga tao, dumating daw sa ospital si Aj na nakatakip ang mukha.

Bukod dito, nakita rin daw na naghihintay sa labas ng ospital si Aljur.

Ani Ogie, “May nag-confirm na si AJ Raval ay nanganak na. Ako’y nagugulumihanan. Ano ba ang paniniwalaan natin? Itong source natin na sinabing nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig itong si AJ, na nung dumating doon eh nakatakip ang mukha. Pero hindi siya dun sa delivery room nag-deliver, ni-room in lang.”

“Si Aljur Abrenica raw ay nandun sa labas ng madaling araw, noong November 19, nag-aabang sa labas. Nandun siya sa loob ng sasakyan, naka-face mask, hanggang sa eventually malaman ng ating source na, ‘Ayun. Si Aljur nga yun.’ Kasi tinanggal ang face mask,” dagdag niya.

Samantala, pagkatapos manganak ay agad din umanong inilabas sa ospital si Aj.

‘Alvarez’ umano ang ginamit ni Aj na apelyido ng kanyang ina na si Alyssa Alvarez nang magpunta sa ospital upang tila itago ang pagkakakilanlan niya.

Ngunit kalaunan ay nakumpirma raw na si Aj nga ang nanganak dahil sa tattoo nito sa dibdib.

Saad pa ni Ogie, “Tapos agad-agad naman daw, pagkatapos manganak ay inilabas na. Ang ginamit daw na apelyido nitong si AJ ay Alvarez. Kaya na-identify na si AJ yun kasi yung tattoo sa dibdib.”

Samantala, hati naman ang opinyon ng netizens sa tsismis na ito ni Ogie.

Ilang netizens ang hindi naniniwala dahil tila imposible umanong nanganak na si Aj kung kailan lang noong napabalitang buntis ito.

Habang marami ang naniniwalang baka nga ay nanganak na si Aj dahil baka matagal na itong buntis bago lumutang ang tsismis na siya ay buntis.

Kung matatandaan, Hulyo ngayong taon pumutok ang tsismis na buntis si Aj sa panganay nila ni Aljur na rumored boyfriend niya.

Gayunpaman, todo tanggi si Aj sa tsismis na buntis siya.

Sa ngayon, wala pa namang komento o reaksyon si Aj sa latest ‘tsismis’ ni Ogie tungkol sa kanya.

96 Shares
Scroll to Top