Alamin ang dahilan sa pagsali ni Herlene “Hipon” Budol sa Bb. Pilipinas

Alamin ang dahilan sa pagsali ni Herlene “Hipon” Budol sa Bb. Pilipinas

Sa latest vlog ni Herlene Nicole ‘Hipon Girl’ Budol sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi niya ang dahilan ng pagsali niya sa Bb. Pilipinas.

Ibinahagi niyang hindi talaga siya nagka-interes na sumali sa pageant, at ang kanyang manager talaga na si Wilbert Tolentino ang pumilit sa kanya na sumali.

Sinabi rin niyang hindi siya bagay sa malakihang beauty pageant gaya ng Bb. Pilipinas, araw-araw umano siyang hinihikayat noon ni Wilbert Tolentino na magjoin pero ayaw umano niya talaga at hanggang sa inalok siya ni Wilbert ng house and lot gaya ng ginawa nito kay Madam Inutz noong pina-join niya ito ng Pinoy Big Brother.

“Sino ba namang tanga ang hindi papayag dyan” Ani ito ni Herlene Budol sa kanyang video.

Sinabi rin niyang ito ang unang dahilan ng pagsali niya sa Bb. Pilipinas.

“Eto yung unang dahilan kung bakit ako sumali ng Bb. Pilipinas.”

“Yung unang tao na nagpush sa akin, nakakita ng potential bilang beauty queen ay si Sir Wilbert talaga.”

“Sabi ko nung una, ayoko dahil ayoko talaga. So parang kabaliktaran siya ng buhay ko.”

“Hindi ako sobrang pa-girl, hindi ako demure, hindi ako proper, hindi ako yun, at eto yung dahilan kung bakit niya ako na-push.” 

“Ang unang minotivate niya sakin, ‘Nak sumali ka. Hindi naman para sakin to eh, para sayo to eh.”

“Sabi ko Ma ‘wag, baka mapahiya lang kita. Sabi ko, hindi ako magaling na tao, hindi ako para dyan.”

“Alam niyo kung ano ang ginawa niya, hindi talaga siya tumigil na ipush ako everyday, kung magkikita kami. Sabi niya sa akin kaya mo yan.”

 “Alam niyo inoperan niya ako, gagawin ko sayo yung ginawa ko kay Madam Inutz, pumasok siya ng PBB, bibilhan ko siya ng bahay. Pumasok ka ng BBP, bibilhan kita ng bahay. Sino ba namang tanga ang hindi papayag dyan.”

“Yun yung unang dahilan, praktikal na tayo, di naman kami mayaman ng pamilya ko, kung nakikita niyo naman sa vlog namin. Wala kaming kisame, mainit yung bahay namin, magulo yung bahay namin.”

 “At isa yun sa mga pangarap ko na magkaroon kami ng bahay.” “Kahit anong trabaho ko, kahit sampung taon pa ako magtrabaho, makakabili ako ng bahay pero matagal na panahon.” 

“Iniisip ko yung lola’t lolo ko na 84 na, 81, hindi na mahaba yung buhay nila. Gusto ko na maranasan nila na tumira sa maayos. Hindi na naabutan ni Nanay, wala na siya.”

“Kasi yung araw na ‘to, eto yung araw na bibilhin na ni Sir Wilbert ang bahay. Yung yung mga panghihinayang ko na sayang, hindi naabutan ni Nanay Bireng.”