Napuno ng katatawanan at kulitan ang latest vlog ni Alex Gonzaga.
Ito’y matapos niyang maging ‘yaya for a day’ para sa mag-jowang Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario at maging sa anak nilang si Baby Meteor.
Gaya ng ginagawa ng isang yaya, naglinis si Alex ng mga kalat sa bahay nina Whamos at Antonette.
Habang naglilinis, nagkwentuhan din sina Alex at Whamos.
Ibinahagi ni Alex na magkababayan sila ni Whamos sa Taytay, Rizal.
Sinabi naman ni Alex na hanga siya sa kasipagan ni Whamos dahil ang layo na ng narating nito.
Inamin naman ni Whamos na minsan ay hindi niya maiwasang maging emosyonal tuwing binabalikan niya ang dati niyang buhay.
Samantala, hindi nga nawala ang biruan sa pagitan nina Alex at Whamos lalo pa’t pareho silang komedyante.
Napuno ng katatawanan ang buong vlog lalo na nang tulungan ni Alex sina Whamos at Antonette sa pag-aalaga ng kanilang anak na si Baby Meteor.
Hirit pa ni Alex, apelyido lamang daw ni Whamos ang nakuha ni Baby Meteor sa kanya.
Bukod naman sa pagpapadede kay Baby Meteor, tumulong din si Alex sa pagpapainom ng vitamins nito.
Nilinis din ni Alex ang milk bottles ni Baby Meteor.
Sa huli, hiling naman ng netizens na mag-collab muli sina Alex at Whamos dahil sa ganda ng chemistry nila bilang mga komedyante.