Ama dinala ang standee ng pumanaw na anak para tuparin ang pangarap nitong makagraduate

Ama dinala ang standee ng pumanaw na anak para tuparin ang pangarap nitong makagraduate

Isa sa mga hindi malilimutang yugto sa buhay ng isang estudyante ay ang araw ng kanyang pagtatapos.

Ang pag-martsa at pagtanggap kasi ng diploma ay tila simbolo na nalampasan ng isang estudyante ang lahat ng pagsubok sa kanyang pag-aaral.

Kahit sinong mag-aaral at maging ang kanilang mga mahal sa buhay, lalo na ang kanilang mga magulang, ay talagang makakaramdam ng labis na kasiyahan sa araw ng kanilang pagtatapos.

Kaya naman labis na nalungkot at nanghihinayang ang pamilya ng estudyanteng si Mark Sanchez mula Koronadal City, South Cotabato dahil hindi man lang niya naabutan ang kanilang graduation ceremony.

Nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts in English si Mark at noong May 28 ay mamartsa sana siya upang tanggapin ang kanyang diploma na bunga ng kanyang pagsisikap at pagpupursige sa pag-aaral.

Pero hindi na ito nagawa ni Mark nang bawian siya ng buhay matapos siyang makaranas ng @sthma att@ck noon April 16 lamang, ilang araw bago ang kanilang graduation ceremony.

Gayunpaman, kahit pumanaw na si Mark, tinupad naman ng kanyang ama na si Tatay Felipe ang pangarap niyang makadalo at makapag-martsa sa araw ng kanilang graduation ceremony.

Kumurot nga sa puso ng maraming netizens ang video ng ama ni Mark na dinala ang kanyang standee sa araw ng kanilang graduation ceremony noong May 28.

Sa nasabing video na ngayon ay viral na sa social media ay mapapanood ang madamdaming eksena sa kanilang pagtatapos kung saan nag-martsa patungo sa entablado si Tatay Felipe bitbit ang life-size standee ni Mark para tanggapin ang diploma nito.

Makikitang maging ang ibang mga estudyante na gumraduate din ng kolehiyo noong araw na iyon ay hindi napigilang mapaiyak nang makitang umakyat sa stage ang ama ni Mark bitbit ang kanyang standee.

Wala na nga kasi mas sasakit pa para sa isang magulang na hindi masilayan ang anak na matanggap ang pinaghirapan nitong diploma.

Samantala, ibinahagi naman ni Tatay Felipe sa isang panayam ang dahilan kung bakit dumalo pa rin siya graduation ng kanyang ana kahit wala na nga ito.

Sinabi nga ni Tatay Felipe na bagaman napakasakit para sa isang magulang na gaya niya na tanging isang standee o larawan na lamang ni Mark ang makakasama niya sa pag-akyat sa entablado, masaya naman daw siya na maisakatuparan ang pangarap ng kanyang anak na maka-martsa at makapagtapos ng pag-aaral.

Simbolo rin umano ang pagdalo niya sa graduation ng anak ng kanyang wagas na pagmamahal dito.

Ibinahagi rin niyang pangarap ni Mark na maging isang bumbero sa oras na makapagtapos ito.

Naantig nga ang maraming netizens sa ipinakitang wagas na pagmamahal ni Tatay Felipe para sa namayapang anak na si Mark.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Proud pa rin cya sa anak niya kht gnun ang nangyari, ganyan nman tlga pag parents eh, rest in paradise nakkaantig damdamin po”

“So heartbreaking lalo na sa isang magulang. Congratulations to you Tatay and to your beloved son. That was a great achievement kaya lang iba ang plano ni Lord, which I’m sure is much better for you all. God bless you and may your son’s soul rest in peace”

“Hindi nasayang yung pagpapaaral ng kanyang Ama da kanyang Anak lalu nat pinagsumikapan ng kanyang magulang ang pagpapaaral sa kanyang anak God bless you po Tatay congrats and proud of you May your Son Rest in Peace”

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES