Ama na hinampas ang anak sa kalsada, pumanaw na

Ama na hinampas ang anak sa kalsada, pumanaw na

Nakaraan lamang ay nagviral sa social media ang isang video na kuha ng cctv, makikita sa nasabing video na may nagsisigawan at naghahabulan sa kalsada ng Rodriguez Montalban, Rizal.

Mapapansin sa video na kinuha ng hubo’t hubad na lalaki ang bata at biglang hinampas sa sementadong kalsada ng tatlong beses.

Napabalita na ang hubo’t hubad na lalaki sa video ay ang mismong ama ng batang biktima, mailalarawan rin na tila sinaniban ng demonyo ang ama ng bata.

Ang bata ay 7 taong gulang, kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr. ang suspek na si Eraño Veraces, 26 taong gulang na nadakip at ginulpi ng taong bayan.

Ayon naman sa imbestigasyon ng mga pulisya, pinilit raw ng suspek na makipagtalik sa kanyang misis ngunit tumanggi raw ito dahil buntis, kasunod nito ay nagulat na lamang ang kanilang mga kapitbahay matapos makitang ipinaghahampasan na ng ama ang sariling anak sa sementadong kalsada.

Ayon sa mga nakakitang mga bystanders malapit sa pinangyarihan ng krimen na tila lasing dahil sa alak at lutang dahil sa ilegal na dr@ga ang suspek, kaya parang nasaniban ito ng demonyo ayon sa mga saksi.

Agad namang naisugod ang batang biktima sa malapit na medical clinic ngunit inilipat agad ito sa Ynares Hospital dahil sa mga malalang pinsala sa katawan ng bata ngunit binawian rin ito ng buhay.

At sa bagong update, agad na nagbahagi ang kapatid ng suspek na si Erna Salioman Veraces, na pumanaw na ang ama ng biktima sa dahilan ng paghampas nito ang kanyang ulo sa loob ng kulungan hanggang sa bawian ito ng buhay.

“Sa lahat po ng Nagtatanong sakin kung makukulong po yung kuya ko kung makakasuhan poba? dahil nagawa nia yun sa Anak nia ito po sagot ko Namaalam nadin po siya” panimula ng kapatid ng suspek

“Mabait po ung kuya ko nung matino pa siya, mapagmahal sia na tatay sa mga anak nia pati maging kapatid naging mabuti siya naging ganun lang sia simula nung gumamit sia ng bawal na gamot, sobrang sakit”

“mahal ko ung kuya ko mahal ko ung pamangkin ko kung matino lang ung kuya ko alam ko di nia yun gagawin sa anak nia kung d lang sana sia gumamit ng pinagbabawal na gamot sana masaya sila ngayon”

“kaya mas nangingibabaw sa ngayon ung galit ko sa kuya ko pero kht ganun sobrang sakit padin lalo na sa part ng Asawa nia Buntis pa namn ung ate ko hayss”

“tas may dalawa kapang anak sanaa Inayos mo nalang ung buhay mo sana nakinig kana lang samin una plan na tigilan muna ung maling gingawa mo Sana d to nanyare sa pamilya mo kawawa namn ung mga pamangkin ko” paglalahad niya.

WATCH HERE :

source : GMA News

RELATED ARTICLES