Andrew Schimmer, proud na inalay ang natanggap na award kay Jorhomy na nakaratay pa rin ngayon sa ospital

697 Shares

Hinirang na “Asia’s Most Inspiring Actor and Model of the Year” ang aktor at social media personality na si Andrew Schimmer.

Nitong November 23, natanggap ni Andrew ang nasabing parangal mula sa 6th Asia-Pacific Luminare Awards na ginanap sa grand ballroom ng Okada Manila.

Sa kanyang Facebook post, pinasalamatan ni Andrew ang Panginoon dahil sa parangal na kanyang natanggap.

Aniya, “Maraming salamat po. It will be an honor. All glory to God…all HIS not mine. Sometimes, faith and love changes everything.”

Samantala sa video na kanyang ibinahagi, makikita si Andrew na mag-isang pumunta para tanggapin ang kanyang parangal.

Ngunit pagkatapos ng awarding ceremony ay agad na nagtungo sa St. Luke’s Medical Center-Global City si Andrew kung saan nakaratay si Jorhomy para proud na ipakita rito ang natanggap niyang parangal.

Ayon kay Andrew, inialay niya sa kanyang asawa ang kanyang natanggap na parangal.

Mensahe pa niya kay Jorhomy, “Para sa ‘yo ‘to Love ko, kaya ako may award.

Samantala, kamakailan lamang ay masayang ibinalita ni Andrew na inilipat na sa regular room si Jorhomy mula sa ICU.

Kung matatandaan muling isinugod sa ospital si Jorhomy isang linggo mula nang iuwi nila ito sa kanilang tahanan matapos maging unstable ang kondisyon nito.

Ngunit, nitong mga nakalipas na araw ay unti-unti na raw bumubuti ang kalagayan ni Jorhomy.

Ibinahagi rin ni Andrew na hindi siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay gagaling din ang kanyang asawa.

Ani Andrew, “Nakakatuwa lang guys kasi she’s very, very strong. And she’s really fighting. Maganda yung improvements na ipinapakita niya every day. So ‘wag lang natin bibiglain, ‘wag natin mamadaliin, step by step uli, little by little. I will push through. We will push through, promise ko sa inyo yan. I will not stop. I will never stop.”

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na si Jorhomy ay isinugod sa ospital noong Nobyembre ng nakaraang taon matapos magkaroon ng matinding asthma attack na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia o kawalan ng sapat na hangin sa utak.

697 Shares
Scroll to Top