Andrew Schimmer, tinawag na pambansang paawa ni Cristy Fermin

Isa sa mga napag-usapan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin at ng kanyang mga co-host na sina Romel Chika at Morly Alinio sa kanilang programa na “Showbiz Now Na!” ay ang palagiang pagbabahagi ng aktor na si Andrew Schimmer sa social media tungkol sa kalagayan ng kanyang asawang si Jhoromy Rovero.

Sa latest episode nga ng SNN, ibinunyag ni Cristy na marami raw siyang nakakausap na kumikwestiyon sa pagba-vlog ni Andrew sa personal na buhay nito, kabilang na rito ang mga nangyayari sa asawa nitong si Jhoromy.

Ani Cristy, “Andami-dami kong nakakausap mga ka-chika, mga kaibigan, mga propesyunal, mga doktor pa nga ang iba at abogado. Ang tanong nila, yung isa pangalawa na pagpapa-interview maiintindihan po yun. Pero yung i-vlog mo yung araw-araw na nagaganap sa inyong personal na buhay yun na po ang kwestyonable na talaga sa marami nating mga kababayan.”

Ayon naman kay Cristy, tila masyado raw idinedepende ni Andrew ang mga gastusin ng kanyang asawa sa pagpapaawa sa social media.

Aniya, “At ang kanilang tanong, parang masyado na raw idinedepende ni Andrew ang mga gastusin ng kanyang asawa sa pagpapaawa.”

Dagdag pa niya, “Andun naman yung kanyang panghihingi ng panalangin sa ating mga kababayan. Pero alam mo yung pagsasabi niyan, hindi niyang matatakpan yung tunay na dahilan kung bakit ipinakikita mo ang mga nagaganap sa asawa mo na dapat ay kayo nalang ang nakakaalam.”

Matatandaang mula nang ma-ospital noong Nobyembre noong nakaraang taon si Jhoromy ay tila bukas na libro sa publiko ang kanyang kalagayan dahil sa patuloy na pag-update ni Andrew sa social media partikular na sa kanyang Facebook page at YouTube channel.

At sa kanyang bawat post ay dalawa lamang ang hiling ni Andrew sa mga netizen ito ay dasal at pinansyal na tulong para sa gastusin nila sa ospital.

Muling isinugod sa ospital si Jhoromy noong Oktubre 17, isang linggo lamang matapos siyang maiuwi sa kanilang bahay sa Bulacan matapos maging unstable ang kanyang kondisyon.

Sa ngayon ay nasa ICU pa rin ng St. Luke’s Medical Center-Global City si Jhoromy.