“CONGRATULATIONS! Kween ANNE PATRICIA LORENZO! Ikaw ang Miss Q and A Kween of the Multibeks Grand Winner!”
Ito ang ibinahaging Twitter post ng It’s Showtime sa bagong itinanghal na grand winner sa isang segment ng It’s Showtime na Miss Q and A Kween of the Multibeks.
Marami naman sa mga netizens ang naka-pansin na ang winning answer ni Anne Patricia Lorenzo ay konektado sa kasalukuyang administrasyon.
Sa tanong na ; “Naniniwala ka bang, may taong tanga?”
Walang pag-aalinlangan namang sinagot ni Anne Patricia ang serious question na ito.
“I believe, OO naniniwala akong may taong tanga, Bakit? dahil sinasadya niyang magpaka-tanga kahit lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mali, nilikha tayong matalino pero choice nating magpaka-tanga at sila yung mga totoong taong tanga dahil pinipili nilang magpaka-bobo sa sitwasyon na kailangan naman nila at kayang-kaya nilang maging matalino, tulad na lamang sa pagpili ng mga pinuno ng ating bayan, nagiging tanga tayo dahil alam naman natin kung sino ang may kredibilidad at kakayahan, pero pinipili natin ang mga taong nagpapadala tayo sa mga matatamis na salita, at diyang pagkakataon may taong tanga, and I thank you!” sagot ni Patricia.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa si Anne Patricia Lorenzo sa mga sumuporta sa campaign rallies ni Pres. Bongbong Marcos Jr., nagtataka rin ang mga netizens na kung bakit ang sagot na ito ni Patricia ay may halong pagsisi sa politika at tinawag pa siya na isang Kakampink ng mga netizens.
Samantala, naglabas naman ng TikTok video si Banat By na isang Pro Marcos – social media creator, aminado si Banat By na ang administrasyon ni Pres. Bongbong Marcos Jr. ngayon ay pahirap ang dala sa mga sambayanang Pilipino.
May caption rin ang nasabing video na; “Bagong Pilipinas Bagong Mukha! Dating Maka-Marcos ngayon Lumuluha?”
“Marami ho ang nagbago na, tahimik lang, kasi ayaw na nilang mapahiya at sabihin nila oo nga no tanga ko, ang inaakala nilang magbibigay ng pagbangon sa bayan natin ay ang mga Marcos, eh hindi pala, yung krimen nagbabalikan na, unti unti nagugutom na” saad ni Banat By.
Isa rin kaya sa mga nagsisi sa kanyang sinuportahang kandidato ay si Anne Patricia Lorenzo?
Samantala naglabas naman ng lungkot ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil wala siya mismo sa Grand Finals ng Miss Q&A 2022 Kween of the Multibeks.
“Kung alam nyo lang kung gaano to kasakit para sa akin. This segment is very inportant to me and very close to my heart. Aside from the fact na di ko masusuot yung mga pinagawa kong gowns para aliwin ko.” ani Vice Ganda.