Antonette Gail Del Rosario, ibinida ang kanyang baby bump

Pinusuan ng maraming netizens ang pinakabagong social media post ng vlogger na si Antonette Gail Del Rosario kung saan ibinida niya ang kanyang baby bump.

Kapansin-pansin sa mga larawan ang malaki nang tiyan ni Antonette sa kanyang suot na animal print swimsuit.

20 weeks na ang ipinagbubuntis ni Antonette na unang baby nila ng kanyang partner na si Whamos Cruz.

Matatandaang inanunsyo nina Antonette at Whamos na magiging soon-to-be parents na sila noong June 27.

At kamakailan naman ay masaya silang nagbakasyon ni Whamos sa isla ng Siargao.

Sa isang larawan, makikita namang sweet na hinalikan ni Whamos ang baby girl nila ni Antonette na si baby Meteor na ilang linggo na lang ay makikita na nila.

Samantala, matatandaang nakatanggap ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang pagbubuntis ni Antonette.

Marami ang nagkomento na sana ay hindi maging kamukha ni Whamos ang kanilang baby.

Kasunod nito, inihayag ni Whamos na sana ay hindi siya maging kamukha ng kanilang baby para hindi umano nito maranasan ang panlalait ng ibang tao.

Ani Whamos, “WAG MO SANA AKO MAKA MUKA BABY PARA DIKA MAKARANAS NG PANG LALAIT NG IBANG TAO.”

Gayunpaman, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta at pagmamahal kay Whamos.

Giit ng ilang netizens, hindi mahalaga ang itsura kundi ang tamang pagpapalaki sa kanilang anak.

Komento ng netizens:

“Kahit ano pa ,kalabasan , pangit man o maganda , Basta malusog at walang anomang pinsala sa katawan Ang anak mo , Basta palakihin mo siyang maging mabuting tao , at malapit Kay lord daig pa Ang panakamagandang muka sa buong Mundo Doon lang , panalo k n”

“Marami tlga ngayun mapanghusga sa pang labas na kaanyuan…hnd nmn dapat mahalaga Ang itsura…dapat Ang mahalaga ehh..ung mayroon kang magandang asal..at my respeto sa kapwa…at Isa pa hnd ka nang aapak Ng kapwa mo..”

“Wag pansinin ang ibang tao, dapat paglabas ni baby alagaan, palakihin at ibigay ang magandang aral at may respito sa kapwa, di tulad ng iba dyan mapaghusga….God bless…”

“Ok lang yan whamoz dpat proud ka pa nga ehh atleast lalaki anak mo na ne magandang buhay maganda gwapo pangit lhat naman me panlalait sa mata ng tao na di kontento sa mundo be proud sa anak mo”