Nagpupuyos sa galit ang vlogger na si Antonette Gail Del Rosario matapos i-edit ng isang netizen ang larawan ng kanyang baby na si Meteor, at gawin itong katatawanan.
Sa kanyang Facebook post, hindi napigilan ni Antonette na bweltahan ang nasabing netizen na binab0y at ginawang katatawanan ang larawan ng anak nila ni Whamos Cruz.
Bwelta niya sa netizen, “Wala kang karapatan babuyin yung picture ng bata. walang kinalaman yung bata para ganyanin mo at higit sa lahat, WALANG WALA KANG KARAPATAN DAHIL HINDI MO ANAK YAN!!! GRABE NAKAKANGINIG KA NG DUGO. Walang ka malay malay yung bata para pagtripan niyo. Kagaya ng sinabi ko di baling kami yung ganyanin niyo wag lang yung anak ko!!!! Sabagay kahit hindi naman kita patulan karma na yung bahala sayo.”

Kasunod nito ay nagbabala si Antonette sa mga nangba-bash at ginagawang katatawanan ang kanilang anak.
Aniya, “MAKAKITA PA TALAGA KO NG GANITO PAPARANAS KO SAINYO MAG HIMAS REHAS!!! Grabe kayo walang kinalaman yung bata kung ano ano pinag gagawa niyo!!!! Sinasabi ko sainyo na di baleng ako nalang anuhin niyo wag lang yung anak ko!!!!!”

Samantala, umani ng reaksyon mula sa netizens ang Facebook post ni Antonette.
“Tama… sampulan mo sila para magtanda pati batang walang kamalay Malay ganyan ang ginagawa.. hindi sila gumawa ng sarili nilang content or mag sikap para nmn sumikat sila. yan ang hirap sa tao masyadong inggit sa taong umaangat ang buhay.”
“huwag nung pansinin ang mgkitid na utak ang mahalga k u un …hayaan nyo sla magsawa din yan.”
“bakit kasi kailangan idamay pati bata,kahit mga magulang wag nyo i bash..”
“Don’t mind the bashers. Basta alam nyo wala kayong inaapakan na tao. Instead pray for them. God bless!”
Matatandaang isinilang ni Antonette ang panganay nila ng vlogger na si Whamos Cruz noong January 23.