Inulan ng batikos ang vlogger na si Antonette Gail del Rosario matapos niyang tawaging ‘tanga’ ang anak nila ni Whamos Cruz na si Baby Meteor.
Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagtawag ni Antonette Gail kay Baby Meteor ng tanga sa latest vlog ni Whamos.
Sa nasabing vlog ay mapapanood na pinagkakatuwaan nina Antonette at Whamos si Baby Meteor.
Ayon kasi sa magkasintahan, umaarte raw na natutulog si Baby Meteor dahil ayaw nitong maligo.
Ani Whamos sa caption, “MALILIGO LANG NAG TULOG TULOGAN NA C BABY METEOR”
“Ang galing mag-acting-acting ha…Hoy bata, wag mo kaming pinagtitripan ha. Palibhasa maliligo, kaya nagtutulog-tulugan ka na naman. Kanina dilat pa yan eh. Nung sabing maliligo pumikit,” saad naman niya sa vlog.
Gayunpaman, napansin ng netizens na mukhang inaantok pa si Baby Meteor kaya ayaw nitong gumising at maligo.
Pero naistorbo ang tulog nito dahil sa kalikutan ni Antonette at pag-iingay ni Whamos.
Samantala, bukod sa pang-iistorbo nina Antonette at Whamos sa tulog ni Baby Meteor, pinuna rin ng netizens ang pagtawag ng ‘tanga’ ni Antonette kay Baby Meteor.
“Alis na kami tanga, ba-bye. Di ba tulog ka? Hoy!” ani pa ni Antonette kay Baby Meteor.
Kaya naman hindi na nakatiis ang netizens at muling pinagsabihan ang magkasintahan.
Narito ang komento ng ilang netizens:
“Binaba nyo kaya naggising pero hindi dahilan ang pagliligo ‘For the content’ Kahit tulog ang bata pilit gigisingin.”
“Bakit nmn kailangan sabihan ng tanga ang baby ano alam nyan sa magulang magmumula ang kagandahang asal.”
“Payo lang wag niyong sabihian ng tanga yong bata, anghel yan, hayaan matulog kc ganyan ang bata pag lumalaki tulog kailangan niya, pwede maligo yan mamaya pag nagising after 2 hour pwede ng paliguan”
Si Baby Meteor ay tatlong buwang gulang pa lamang.
Isinilang siya ni Antonette noong January 23.