Babae raw ni Flow G na mas maganda pa umano kay Pastillas Girl, tinukoy ng mga netizens!

Babae raw ni Flow G na mas maganda pa umano kay Pastillas Girl, tinukoy ng mga netizens!

Sunod-sunod ang binitawang rebelasyon kamakailan ng vlogger na si Mark Jayson Warnakulahewa na mas kilala ng netizens na “Makagag0” tungkol sa rapper na si Flow G.

Isa na rito ay ang panloloko umano ng rapper sa kanyang girlfriend na si Angelica Jane Yap na nakilala ng lahat bilang “Pastillas Girl” ng It’s Showtime.

Nitong nakaraang araw ay nag-trending nga ang vlog ni Makagago kung saan sinupalpal niya ang rapper dahil sa pangungunsinti umano nito sa pambababae at pagchi-cheat ng kanyang kaibigang si Skusta Clee sa ex-partner nitong si Zeinab Harake.

Sa vlog, iginiit nga ni Makagago na alam niya ang mga baho diumano ni Flow G kung saan ibinunyag niyang isa rin itong manloloko at babaero, taliwas umano sa inaakala ng marami na isa itong tapat at mabuting boyfriend kay Angelica.

Ayon pa sa kanya, walang pinagkaiba si Flow G kay Skusta dahil maging ito umano ay may ‘chicks’ o kalandian ring ibang babae habang nasa isang relasyon.

Naglabas din siya ng mga screenshot ng private messages ni Flow G sa ibang babae, patunay sa mga ginagawa nitong panloloko kay Angelica.

Gayunpaman, itinago ni Makagago ang pagkakakilanlan ng dalaga na kalandian ni Flow G sa nasabing messages.

Dahil dito kaya naman maraming netizens ang na-curious kung sino ang babaeng kalandian ni Flow G sa mga nasabing messages.

Hindi rin nagtagal ay tila nabigyan naman ng pangalan at mukha ang ka-chat ni Flow G matapos kumalat ang ilang intimate at sweet moments nito kasama ang isang napakagandang babae.

Ang nasabing babae ay walang iba kundi ang leading lady ni Flow G sa music video ng rap song nitong “Ibong Adarna” na ang vlogger at TikToker na si Loraine Lna.

Si Loraine mismo ang nag-post sa kanyang TikTok account kamakailan ng mga larawan nila ni Flow G habang ginagawa ang music video para sa rap song nito na kinunan pa noong nakaraang taon.

Tanong tuloy ng marami, si Loraine na nga ba ang babaeng tinutukoy ni Makagago na “chicks” ni Flow G na mas maganda pa umano sa girlfriend nitong si Angelica?

Samantala, sa ngayon ay inaabangan pa rin ng lahat ang pasab0g na gagawin ni Angelica bilang resbak nga sa mga banat ni Makagago sa kanila ni Flow G.

Kung matatandaan ay nauna nang sinabi ni Angelica sa pamamagitan ng isang TikTok video na hindi umano siya natatakot at kinakabahan sa mga sasabihin ni Makagago tungkol kay Flow G.

Kasunod nito ay nag-post naman siya sa kanyang Facebook account ng, “Ako naman? Papunta palang tayo sa exciting part.”

Tila isang pahiwatig na may ilalabas din siyang isang rebelasyon tungkol naman kay Makagago.

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES