Babae umano ni Chiz Escudero, nanganak na ayon kay Cristy Fermin

“Nanganak na nga po ng nanganak ang issue at parang wala ng pagka-tigil” 

Iyan nga ang bungad ni Cristy Fermin sa kaniyang panibagong video sa programa nilang ‘Showbiz Now Na’ kasama sila Romel Chika at Morly Alinio. 

Isa sa naging paksa nila ang hiwalayan diumano nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista. 

Ani Cristy: “Diumano merong isang babae nagdadalang tao na ang tinuturong ama ay si Senador Chiz,” 

“Alam mo ba kung ano ang latest? Nanganak na raw yung babae” 

Pabirong hirit naman nila Nay Cristy at Romel Chika, “Eh samantala wala namang maiturong babae, wala namang eksakto na ito nga yung babaeng inuugnay kay Senator Chiz,”

“Bukas nakakalakad na ‘yan” , “Tapos nasa kinder na sa isang araw,” 

“Ganun po ka tindi mga ka-chika ang mga isyung lumalabas ngayon” 

Sa kabila nga ng mga isyung ito na naibabato kay Senator Chiz Escudero, ay deadma lang at sarado ang bibig nito. 

Samantala, si Heart Evangelista ay para umanong “Balon ng emosyon” ayon kay Cristy Fermin. 

Sa Social Media umano nito ay wala itong tigil sa pamimigay ng sensales na hiwalay na sila ng Senador. 

Kung matatandaan, nasabi ni Cristy Fermin sa isa nilang video na umalis na si Heart sa pamamahay ni Senator Chiz at nakatira na umano sa isang condo unit ang aktres.

“Pero kung ako naman si Heart hindi ko gagawing carnaval ang buhay kong personal” Ani Nay Cristy. 

“Kasi habang nagpapakita siya ng mga senyales na diumano’y hiwalay sila, pinagpipiyestahan sila. Ginagawa na silang laruan. Sa palengke, sa bangko, sa talipapa, kahit saan, sila ang pinag-uusapan.” Dagdag pa ni Nay Cristy. 

Ayon naman kay Romel Chika, “At hindi ko maintindihan, bakit kinakailangan niyang karaykarayin yung asawa niya sa mga ganu’ng sitwasyon na alam niyang may posisyon sa politiko yung asawa niya” 

Hirit naman ni Morly, “Baka gusto niya  talagang mapag-usapan lang siya, may mga taong ganun” 

“Sabagay ano, may kilala nga tayo, kahit ano nalang palalabasin para lang siya ang pag-usapan,” Sagot naman ni Cristy Fermin. 

Naikumpara naman nila si Marian Rivera kay Heart Evangelista sa pagiging hands on umano ni Marian Rivera sa pagiging ilaw ng tahanan, at una ang pamilya para sa kanila ng asawa niyang si Dingdong.

Lokang-loka ang tatlo at hindi umano nila maintindihan bakit kailangan pa raw umano ni Heart Evangelista iwanan ang kaniyang pamilya. 

Ang aktres umanong si Marian Rivera ay nais pa umanong dagdagan ang anak. 

Sa ngayon ay wala paring anak si Heart Evangelista sa senator matapos makunan nu’ng 2018.