Bagong kasal 3k lang ang ginastos sa reception!

2.7K Shares

Sa panahon ngayon ay marami ang mga okasyon na hindi natutuloy dahil sa pandemya.

Lalong lalo na ang mga kasalan na isa sa pinaka-espesyal na kaganapan sa buhay ng dalawang magkarelasyon.

Bago magdesisyong magpakasal ang dalawang nagmamahalan ay marami pang preparasyon ang kailangan upang mairaos ito, kailangan rin na maayos ang mga papeles, mga documents, mga kasuotan, venue at lalong lalo na ang reception ng kasal.

Kailangan na makapag-ipon ng malaking pera upang masunod ang kanilang pinapangarap na kasal, may mga magkasintahan rin na gusto lamang ay simpleng kasalan, makaraos lamang ang kasalan na kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ngunit ang iba namang nagmamahalan ay mas piniling wag na lamang magpakasal dahil sa gastos na kaakibat ng nasabing okasyon, ngunit marami naman sa mga kinakasal ang nakakatipid basta’t simple lang pero masaya.

Kagaya nalang sa magkasintahang ito na mas pinili nilang magpakasal at hindi gumastos ng kalakihan upang matuloy lamang ang nais nilang kasalan.

Ayaw rin nilang mangutang para sa kanilang kasal para lang sa magandang reception, kaya naman ginanap ang kanilang reception sa isang fast food na may unli rice at unli sabaw (Mang Inasal).

Sila ay gumastos lamang ng Php 3,044 para sa 15 katao at kabilang na rin sila, dahil dito marami sa mga netizens ang natuwa dahil sa idea ng newly wed na hindi kailangan gumastos ng malaki para sa isang reception upang maging masaya ang isang okasyon.

Copy link
Powered by Social Snap