Bagong Viral, Panibagong pananagasa ng isang SUV driver sa isang traffic enforcer

Bagong Viral, Panibagong pananagasa ng isang SUV driver sa isang traffic enforcer

Isa na namang panibagong kaso ng pananagasa ng isang driver ng SUV sa isang traffic enforcer ang malinaw na nakunan ng mga motorista kamakailan sa lungsod ng Maynila.

Sa video na in-upload ng netizen na nagngangalang Marv’s John, makikita na pinahihinto ng isang traffic enforcer ang driver ng SUV.

Ngunit imbes na huminto ay nagpatuloy sa pag-andar ang driver ng SUV kahit pa nasa harap niya ang traffic enforcer.

Kaya naman kalaunan ay tumabi na lamang ang traffic enforcer sa takot na madaganan ng SUV dahil kung titingnan ay mukhang walang balak huminto ang driver ng SUV.

Hanggang sa tuluyan na ngang humarurot at tumakas ang driver ng SUV.

Sa ngayon ay hindi pa natutukoy ang driver ng SUV at ang traffic enforcer na sinubukan niyang sagasaan.

Samantala, hindi ito ang kauna-unahang kaso ng pananagasa ng isang driver ng SUV sa isang traffic enforcer na naitala ngayong buwan lamang.

Kung matatandaan kasi na noong June 5 lamang ay mainit na pinag-usapan ang kalunos-lunos na sinapit ng isang security guard na nagmamando lang sana ng isang traffic sa Mandaluyong City matapos siyang sinadyang sagasaan at gulungan ng isang driver ng SUV.

WATCH HERE :

Nakilala ang nasabing security guard na si Christian Joseph Floralde na hanggang ay nagpapagaling pa rin matapos siyang magtamo ng multiple injuries sa katawan dahil sa insidente.

Habang makalipas naman ang 10 araw mula nang mangyari ang insidente ay saka pa sumuko sa awtoridad at humingi ng tawad ang driver ng SUV na kinilalang si Jose Antonio Sanvicente.

Gumugulong pa rin ang kaso ng security guard laban sa driver ng SUV na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukulong bagkus ay tinanggalan lamang ng lisensya ng Land Transportation Office.

At hindi pa nga nabibigyan ng hustisya ang nangyari sa security guard ay may panibagong kaso na naman ng pananagasa sa isang traffic enforcer ang naitala ngayon.

Mabilis nga na nag-viral sa social media ang nasabing video. Bumuhos din ang maraming komento ng netizens na galit na galit sa bastos na driver ng SUV.

Tila hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nakakaget-over ang mga netizen sa kalunos-lunos na sinapit ng security guard mula sa nasabing driver ng SUV.


RELATED ARTICLES