Bato Dela Rosa UMATRAS sa pagtakbo bilang President para sa Halalan!


Binawi na ni Bato Dela Rosa ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo at nagtungo na ito sa comelec.

Naghain na ng kanyang COC (Certificate of Candidacy) si Senador Bato Dela Rosa noong October 8, 2021.

Siya ang ipinatupad ni President Rodrigo Duterte bilang Chief of National Police sa programa nitong Dr*g war.

Tatakbo sana bilang Presidente si Sen. Bato Dela Rosa para sa halalan 2022 habang ang kanyang running mate naman ay si Bong Go na tatakbo rin bilang Vice President sa halalan 2022.

SAY PA NI BATO DELA ROSA :

“Ang partido ang nag-decide na tumakbo ako… matagal na [napagdesisyunan] pero tinatago lang namin. ‘Yan ang mga diskarte kasi kapag maaga ka nagbalita, titirahin ka kaagad,”

“Do I look like a mockery to you? I won as a senator, number 5 po ako last election. Is that mockery?”

Usap-usapan din noon ng mga netizens na baka raw ay ni-reserve lang ni Bato Dela Rosa ang (slot) o pwesto ni Sarah Duterte na posibleng tatakbo bilang pangulo sa halalan 2022.

Matapos ang mahigit isang buwan, kasabay niyang dumating si Bong Go at Pres. Rodrigo Duterte sa comelec.

Si Sen. Bong Go rin ay nag withdraw ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente para tumakbo bilang presidente ng bansa sa halalan 2022.

SAY PA NI BATO DELA ROSA :

“Mahal kong mga supporters, isang malaking karangalan ang 1 month and 5 days na pagsama ninyo sa aking panaginip na maging Pangulo ng ating bansa. Ngayon po ay sabayan naman ninyo ako sa aking pagising sa katotohanan. Papunta po ako ngayon sa Comelec, Intramuros upang magwithdraw ng aking COC bilang pagsunod sa decision ng aming partido. Maraming Salamat po sa inyong lahat. Let us pray for a better Philippines. God bless us all!”


1 2 3 5
Next Page