Bayag ni kuya naipit sa upuan

Bayag ni kuya naipit sa upuan

Marami sa atin ang natutuwa sa mga lumalabas na balita sa social media, ang iba sa atin ay kahit seryusong mga usapin na ay nagagawa pa rin nating pagtawanan.

Dahil sa social media rin ay mas napabilis na ang pagkalap natin ng mga impormasyon na may malaking benepisyo lalo na sa mga magaaral.

May mga bagay rin sa social media na hindi na nakakatuwa at seryusong usapin na, katulad na lamang sa storya ng isang lalaki na naipit ang kanyang itlog o bayag sa isang plastic chair dahilan para tumawag pa siya ng urgent rescue.

Nangyari ang insidente na ito sa Espanya, at hindi rin ito nalalayo sa mga insidente na nangyari sa iba’t ibang sulok ng mundo gaya na lamang sa Thailand.

Isang lalaki ang naipit ang kanyang bayag sa isang plastic chair sa kasagsagan ng Lockdown, ang plastic chair na ito ay may makitid na butas na pahaba sa gitna at dito dumulas at naipit ang kanyang mga itlog.

Medyo nakakatawa pero seryosong usapin ito, kinakailangan pa nilang tumawag ng Fire Brigade at rescuer para lang ma-unstuck ang kanyang mga bayag.

Matapos tumawag ng rescue ang biktima ay agad itong dinala sa malapit na ospital para malapatan ng first aid, payo naman ng mga eksperto na wag uupo sa mga plastic chairs na walang suot na panty o brief.

Napansin rin ng mga doktor na namumula na ang itlog ni kuya sa tagal nitong naka stuck kaya mahirap na itong idaan sa dating butas ng upuan, kaya napag isipan na lamang nila na putulin ang ibang mga bahagi ng plastic chair para malabas ang bayag ng lalaki.

Sa ngayon ay nasa maayos na kalagayan na ang lalaki, at nakalabas na rin sa ospital matapos matanggal ang kanyang bayag sa naka stuck na plastic chair.

WATCH HERE :

source : Youtube

RELATED ARTICLES