Billy Crawford nalulungkot sa sinapit ni Vhong Navarro

71 Shares

Sa kabila ng paglipat ng host-dancer na si Billy Crawford sa ibang istasyon, nanatili ang pagkakaibigan nila ng dati niyang kasamahan sa “It’s Showtime” na si Vhong Navarro.

Ito ay ayon sa showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz.

Ibinunyag nga ni Ogie sa kanyang YouTube channel na si Billy ang huling nakausap ni Vhong bago kinumpiska ng mga awtoridad ang cellphone nito kasunod ng pagsuko niya sa National Bureau of Investigation (NBI).

Matatandaang lumabas ang pangalawang arrest warrant para sa kasong r@pe na inihain ng modelong si Deniece Cornejo na walang piyansa.

Kaya naman nakakulong ngayon si Vhong sa detention center ng NBI.

Ikwenento nga ni Ogie nakausap ni Billy si Vhong bago kunin ng mga awtoridad ang cellphone nito at pumasok sa kulungan.

Ayon pa kay Ogie, sinabi sa kanya ni Billy na talagang nalulungkot siya sa sinapit ng kaibigan.

Dagdag pa ni Ogie, in-encourage raw ni Billy si Vhong na maging matatag sa gitna ng problemang kinakaharap niya ngayon.

Sa katunayan, inialay umano ni Billy ang kanyang performance noong September 23 sa “Danse avec le stars” o Dancing With The Stars” French Edition kay Vhong para ipakita ang kanyang suporta rito.

Samantala, ibinasura naman ng korte ang apela ni Vhong na manatili sa kustodiya ng NBI.

Ayon sa inilabas na order ni Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig Regional Trial Court Branch 69, nakita ng korte na hindi nagawang bigyang-katwiran ni Vhong ang pangangailangan para sa kanyang patuloy na pananatili sa pasilidad ng NBI.

Ibig sabihin lang nito ay tuloy ang paglipat kay Vhong sa Taguig City jail na matagal nang isinusulong ng kampo ni Deniece.

Nauna namang sinabi ng asawa ni Vhong na si Tanya Bautista na nangangamba sila sa kaligtasan ni Vhong kapag nalipat ito sa Taguig City jail.

Gayunpaman, sa ngayon ay wala pang petsa na inilalabas ang korte kung kailan ililipat si Vhong mula sa NBI detention center patungo sa Taguig City jail.

71 Shares
Scroll to Top