JRU forward na si John Amores, nagpaulan ng ‘kamao’ sa NCAA match kontra CSB

Nagulantang ang maraming basketball fans na nanood sa laban ng Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers at College of St. Benilde (CSB) Blazers nitong Martes, November 8, sa 98th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament na ginanap sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City.