Nagpahayag ng pagkadismaya si Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos bigla na lamang putulin ang kanyang speech para sa isang peace festival na ginanap kamakailan lamang sa Clark Global City, Pampanga.
Nitong Sabado, December 3, inihayag ni Catriona sa isang Twitter post ang kanyang pagkadismaya dahil sa nangyari sa kanyang speech na sobra umano niyang pinaghandaan.
Kwento ni Catriona, naghanda siya ng isang 20 minutes speech para sa event at sobrang excited umano siyang ibahagi ito sa mga dumalo.
Ngunit sa kanyang pagkabigo, wala pang 10 minutes sa kanyang speech ay bigla na lamang umano siyang pinatigil sa pagsasalita.
Ani Catriona, “I’m so disappointed. To everyone who has been waiting in the heat at the #GPFestival2022 I’m sorry. I worked on a 20 min speech for you all, and have been so excited to share it with you all but I was cut off not even 10 mins in.”
Sa huli, humingi naman ng paumanhin si Catriona sa mga nag-abang sa kanyang speech.
Aniya, “Just know I love and appreciate you guys and I’m so sad I wasn’t able to have my proper time with you. #GlobalPeaceFestival2022”
Samantala, sa ngayon ay wala pang inilabas na pahayag o paliwanag ang pamunuan ng nasabing peace festival hinggil sa pagputol nila sa speech ni Catriona.