Celeste Cortesi, Darna ang National Costume sa Miss Universe 2022

“Fierce against injustice and at the service of those in need. ‘Have no fear, ‘cause Darna is here!’”

Ganito ang pagpapakilala ng Miss Universe Philippines organization sa beauty queen na si Celeste Cortesi nang rumampa ito suot ang isang Darna-inspired costume sa 71st edition ng Miss Universe pageant sa New Orleans, Louisiana, U.S.A.

Ngayong araw ginanap ang National Costume Competition na isa mga inaabangan ng maraming pageant fans sa Miss Universe 2022.

Agad ngang nag-trending sa social media ang national costume ni Celeste na hango ang disenyo sa costume ng popular na Pinay superhero na si Darna.

Idinisenyo ito ng LA-based Pinoy designer na si Oliver Tolentino habang gawa naman ni Jerome Navarro ang headpiece at accessories ni Celeste.

Ayon sa pamunuan ng MUP, kumakatawan ang national costume ni Celeste sa isang “cultural icon” na sumisimbolo umano sa “kindness, empathy, and empowerment.”

Anila, “Embodying a cultural icon that symbolizes kindness, empathy, and empowerment, Miss Universe Philippines 2022 @celeste_cortesi presents Darna at the 71st Miss Universe National Costume Competition!

National costume by @theolivertolentino with headpiece and some metalwork accessories by Jerome Navarro.”

Samantala, napa-wow ang maraming pageant fans sa national costume ni Celeste.

Komento nila, wala nang mas karapat-dapat pa na magsuot sa Darna national costume kundi si Celeste.

Tila nagmukha nga raw isang ‘celestial beauty’ si Celeste dahil sa Darna national costume nito.

Komento nila:

“Finally someone wore the iconic Pinoy fictional character on MU stage! Filipino pageant fans hearts are so full right now.”

“Grabe! Ang dyosa! Kahit ano isuot nya , dalang-dala nya!”

“That Darna National Costume is brilliant! Not only it suits her perfectly but she looks absolutely beautiful in it! I think she rocks it! Just gorgeous!”

Nakatakdang gaganapin ang coronation night ng pageant ngayong January 14.

Mapapanood naman ito sa Pilipinas sa January 15 via Kapamilya channel.