Celeste Cortesi, iniwan diumano ng Team PH sa venue matapos hindi makapasok sa Top 16?

Naganap na nga ang coronation night ng Miss Universerse 2022 ngayong araw, ngunit nabigong masungit ni Celeste Cortesi ang korona bilang pambato ng Pilipinas.

Viral ngayon sa twitter ang di-umano’y tea matapos ang naganap na Miss Universe 2022, ayon sa isang twitter user pagkatapos ang anunsiyo ng Top 16 ay umalis ang Team PH Org sa venue dahil hindi nakapasok ang ating pambato na si Celeste Cortesi.

Marami ang nagsasabing tumutugma ito sa latest tweet ni MJ Lastimosa matapos sabihin nitong, “Balik pala ko ulit sayang ticket”.

Patunay umano ito na ang ilan nga sa kanila ay tuluyan ng umalis at hindi tinapos ang programa at naiwan na lamang si Celeste Cortesi sa venue.

Sa isang video ay mapapanood pa umano ang pagyakap ni Celeste sa kaniyang Ina habang humahagulgol sa pag-iyak sa labas ng Pageant venue.

source : Kapamilya Online World
source : Kapamilya Online World
source : Kapamilya Online World

Kaya naman samo’t saring komento mula sa mga netizens ang natatanggap ngayon ng beauty queen, maraming celebrities rin ang nagpa-abot ng kanilang pagmamahal para kay Celeste Cortesi.

Janine Gutierrez

Sa pamamagitan ng kanyang tweet, nagbahagi ang Kapamilya aktres na si Janine ng kanyang mensahe para sa mga netizens na nadismaya, naapektuhan o nalungkot dahil hindi nakapasok lamang ang pambato ng Pilipinas kahit sa Top 16.

aniya ; “As anak ni Lotlot, sending all my love to everyone affected by today’s events.”

Catriona Gray

Isa si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang nagbigay ng encouraging words para sa fans ni Celeste Cortesi dahil sa hindi nito naabot ang top 16.

aniya; “Guys, you are not alone. Philippines, Thailand, Mexico, Indonesia—I know you might be feeling a little bit of disappointment right now, but we always have next year,”

Sa ngayon ay hindi pa kumpirmado kung totoong iniwan sa ere si Miss Universe PH Celeste Cortesi sa venue ng Miss Universe 2022 pageant.