Chad Kinis ganap ng Ama sa isang Baby Girl!


Proud na proud ang komedyanteng si Chad Kinis na ibahagi sa kanyang vlog na isa na siyang ama sa isang baby girl.

Ito nga ang magandang balita ni Chad Kinis noong November 19, 2021 dahil pinuntahan na nila ang new member ng kanilang pamilya sa Lipa, Batangas.

Ibinahagi rin ng vlogger na malaking blessing si Baby Rica Lorice, sinunod ang pangalan ng kanilang mga magulang na sina Ricardo at Lolita.

Ipinanganak si Baby Rica noong November 15, 2021 at ani pa ni Chad na regalo ito ng kanyang ina na pumanaw noon lamang November 14, 2021.

Kitang-kita naman ang excitement ng komedyante sa nasabing vlog, si Baby Rica at kaniyang tinuturing na anak dahil siya raw ang tatayong tatay, dahil hindi ito kayang panindigan at suportahan ng tunay nitong ama.

Masayang nangako si Chad Kinis na aalagaan niya at mamahalin ang kanyang pamangkin na si Baby Rica na para niyang tunay na anak.


1 2 3 5
Next Page