Cherie Gil, pumanaw na dahil sa brain cancer

Cherie Gil, pumanaw na dahil sa brain cancer

Veteran actress na si Cherie Gil, kumpirmadong pumanaw na sa edad na fifty-nine (59) dahil sa brain cancer.

Ito ay matapos kumpirmahin ng pamangkin niyang si Sid Lucero sa pamamagitan ng pag-post nito ng larawan ng aktres sa kanyang Instagram. 

Caption niya rito, “I love you;) big hug:)” na may hashtag pa na #bugluv” at nag-post din ng kumpirmasyon ang kaibigan ng aktres na si Annabelle Rama sa kanyang Instagram.

“CHERIE GIL JUST PASSED AWAY AT 5PM TODAY PLEASE PRAY FOR HER,” Ani ni Annabelle Rama.

Brain cancer umano ang sakit ng batikang artista at naging dahilan ito ng pamamaalam niya sa mundo ngayong araw lamang, August 5, 2022.

Nitong July 19 ang huling update nito sa kanyang social media at makikitang nagbago ang kanyang itsura.

Caption niya sa kanyang Facebook post;

“MY ANGEL FROM PARADISE HAS arrived!!!!   Renee Perrine. Nurturer, healer, Love SOUL SISTER!!! Kindred. Stoked and super grateful,” ani Cherie Gil.

Maraming netizens ang gulat na gulat sa balitang pumanaw na ang iconic actress na si Cherie Gil kaya nag iwan sila ng kanilang mga komento tungkol sa balitang ito.

“Rest In Peace Ms Cherie Gil”

“Stunning beauty, fine actress, rest in eternal peace. You will be missed.”

“Sya pala yong tinutukoy ni Madam Rudy Baldwin na ppanaw. 4 daw yan. 2 babae at 2 lalaki ang magppaalam sa showbiz. Taz yong tinukoy nyang politician na ppanaw, si FVR pala.”

“Isa sa pinaka mabait kong napagsilbihan saaking trabaho… Rest in Peace po”