Cherie Gil, pumanaw na sa edad na 59

Cherie Gil, pumanaw na sa edad na 59

Gulat na gulat ang mga netizens sa kakapasok lamang na balita, dahil pumanaw na ang isa sa mga iconic aktres sa Pilipinas na si Cherie Gil dahil sa cancer.

Ang balitang ito ay kinumpirma ng aktres-talent manager at isa sa matalik na kaibigan ni Cherie Gil sa industriya na si Anabelle Rama sa pamamagitan ng pag post sa kanyang Facebook page.

“CHERIE GIL JUST PASSED AWAY AT 5PM TODAY PLEASE PRAY FOR HER.” pagbabahagi ni Anabelle Rama.

Kung matatandaan, February ngayong taon ay ibinalita sa mga news websites ang pag migrate ni Cherie Gil papuntang US, at spotted rin ito habang nasa New York ang aktres dahil nakunan pa ito ng larawan na nagpakalbo ito.

Sa panayam ng Fashion Magazine Mega sinabi niya ang dahilan kung bakit gusto na niyang mag migrate sa US;

“I got rid of all the clothes I had that symbolized a past life. I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am,

“It’s just great to have this opportunity and to be alive to start over. It’s like a rebirth of sorts,”

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng official statement ang mga mahal sa buhay ng aktres na si Cherie Gil.

Maraming netizens ang gulat na gulat sa balitang pumanaw na ang iconic actress na si Cherie Gil kaya nag iwan sila ng kanilang mga komento tungkol sa balitang ito.

“Rest In Peace Ms Cherie Gil”

“Stunning beauty, fine actress, rest in eternal peace. You will be missed.”

“Sya pala yong tinutukoy ni Madam Rudy Baldwin na ppanaw. 4 daw yan. 2 babae at 2 lalaki ang magppaalam sa showbiz. Taz yong tinukoy nyang politician na ppanaw, si FVR pala.”

“Isa sa pinaka mabait kong napagsilbihan saaking trabaho… Rest in Peace po”