Cong TV nanganak na, Viy Cortez masayang ibinahagi ang paglabas ni “Kidlat”

Cong TV nanganak na, Viy Cortez masayang ibinahagi ang paglabas ni “Kidlat”

Certified parents na ang kinagigiliwang vlogger couple ng marami na sina Lincoln “Cong TV” Velasquez at Viy Cortez. Ito ay matapos isilang ni Viy ngayong araw, Hunyo 5, ang unang anak nilang si baby Zeus Emmanuel o mas kilala ng maraming netizens sa palayaw nitong “Kidlat”.

Ibinalita ng first-time parents sa kani-kanilang social media accounts ang good news at ito nga ay ang pag-welcome nila kay baby Kidlat.

Unang ipinasilip ng Facebook page ng pagmamay-aring cosmetic company ni Viy na “VIYLine Media Group” ang bagong silang na anak ng vlogger couple.

Caption sa post ng VMG, “First look at Cong TV and Viy Cortez’s newborn son, Baby Zeus Emmanuel “Kidlat” Cortez Velasquez.”

Kalakip ng post ay ang isang litrato kung saan makikita ang malusog na kamay ni baby Kidlat.

Bago ang nasabing post ay ibinahagi naman ng vlogger couple ang kanilang excitement na masilayan na ang kanilang anak na matagal-tagal din nilang hinintay.

Mensahe nga ni Cong sa anak, “Hi Kidlat! Ready na si Daddy! Galingan niyo ni Mommy!”

Habang isang madamdaming mensahe naman ang isinulat ni Viy para kay baby Kidlat.

Ani Viy sa kanyang post, “See you anak Kidlat oras nalang ang hihintayin masisilayan ka na namin, babaguhin mo na ang buhay namin ng daddy mo iloveyou.”

Hanggang sa ipinost na nga ni Viy sa kanyang Instagram account ang kauna-unahang litrato ni Cong karga-karga si baby Kidlat.

Hindi maiwasan ni Viy na maging emosyonal habang pinagmamasdan ang kanyang mag-ama.

Lubos ding nagpapasalamat si Viy sa biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos.

Aniya, “Kayong dalawa ang mundo ko. Salamat Lord salamat sa biyaya.”

Samantala, hindi lamang ang vlogger couple ang excited sa paglabas ni baby Kidlat kundi maging ang mga netizen.

Katunayan nga ay trending topic ngayon sa social media si baby Kidlay na panibagong miyembro ng “Team Payaman” na kinabibilangan nina Cong at Viy.

Komento ng netizens:

“Wow congrats welcome to the world baby kidlat!”

“Kamay palang alam ng kagwapo gwapo ng bata na yan welcome to the world Baby Kidlat “

“abangan ko to sa yt channel mo kidlat congrats cong and viy”

“I love you three! Excited na si lolo at lola na makita baby kidlat nmin may kalaro na si kuya Mavi”

“Ang Sarap Pagmasdan ng larawan na ito Magkasama na sila Cong at Kidlat”