Cristy Fermin, may hamon kay Kat Alano

“Kung matapang ka at talagang gusto mong ipagtanggol ang kaapihan mo bilang isang babae, na ninakawan ng dangal, dapat banggitin mo kung sino talaga ‘yan.” – Cristy Fermin

“Manindigan ka Kat para matapos ang kwentong ito, hindi dugtong ng dugtong kung ano-anong lumalabas” – Romel Chika

Iyan ang hamon nila Cristy Fermin sa kanilang bagong Youtube video kasama sina Romel Chika at Morly Alinio kung saan nanawagan sila sa former model at video jockey na si Kat Alano. 

Tila naghihinala kasi ang tatlo sa mga palabas ng female personality sa kaniyang social media, kung saan doon niya inilalathala na siya ay ginahas@. 

“Pero ang nakakaloka at nakakainis, hindi naman niya tinutukoy kung sino yung lumapastangan sa kaniya.” Ani Morly

Dahil sa mga pa blind item umano nito sa kaniyang social media ay naging kontrobersyal ang female personality at grabe ang bashing na kaniyang natatanggap sa kasalukuyan. 

Naturang “Selective” umano ang female personality na ito dahil umano ay pili lang nito kung kailan siya mag-iingay sa kaniyang social media.

2014 daw nang nag-ingay din ito, taong nagsimula ang kaso ng actor-host na si Vhong Navarro at ngayon na kasagsagan na naman at dito na nakulong aktor. 

Punto naman ni Cristy Fermin, “Ganoon pala at ika’y nilapastangan. Ikaw pala ay ni-r@pe.”

“Ang unang-unang pumapasok sa isip ng isang babae na ninanakawan ng dignidad ay ang mag sumbong sa mga may kapangyarihan.” Aniya. 

Pagsang-ayon naman ni Romel, “Dapat ‘yun ang unang-unang ginawa niya” 

“Eh ba’t hanggang ngayon eh nakiki-angkas ka lang sa mga issue tungkol kay Vhong Navarro?” Ani Nay Cristy.   

“Ang akin, kung matapang ang isang babae tungkol sa kaniyang pinaglalaban, magbabanggit siya ng mga pangalan,”

“Kung sino yung dapat managot sa naganap sa kaniya,” 

“Eh, hindi eh. Pa-blind item, eh”

Sambit naman ni Romel, “Kaya tuloy sabi ni Tanya, sabi niya ‘Edi kung meron siyang ebidensya, ilabas niya’… Iyon na hinahamon na siya, Walaaa… (Walang ipinapakitang ebidensya si Kat Alano)”   

Sa comment section naman ay hati ang mga opinyon ng mga netizens.

Marami ang pumapanig kay Vhong Navarro, ngunit marami rin ang nagtatanggol kay Kat Alano. 

Ani ng ilan, “Precisely why r@pe victims don’t report because precisely of this kind of judgement. Contrary to what Ms. Fermin said that rap3 victims 1st action is to report what happens to them, that’s very contrary to reality. R@pe victims generally don’t report their case because of these type of actions by others. Please try to be fair and withhold judgements for the sake of r@pe victims who get more scared precisely of how people treat rap3 victims that they are treated more like the perpetrator rather than a possible victim.”

“Christy, not all victims of r4pe have the guts  to seek justice.  And not all using ” ang Diyos ang saksi” is telling the truth.  And not all gentleman and “nicey nicey” to people ay mabait na, a seri4l k!ller sometimes look innocent but a demon inside. Till someone is not yet guilty to the cr!me committed, the person still innocent.  Maging maingat din po tayo sa pag komento lalo nat ang topic is r4pe. A r4pe is a rap3.”

“Kat alano doesn’t owe anybody any name, details and explanation. Hintayin nlng ntin in her own terms. Ngyn pa nga lang wala syang binabanggit na name e binabash n sya, what more pa kung pangalanan nya ang rap!st nya… pero may mga kababaihan na nagca-claim na ni-rap3 cla, wala nman usok kung walang apoy db?”