Elisse Joson ISINILANG ang ANAK nila ni McCoy de Leon!

Aminado si Mccoy de Leon na siya ang unang umayaw sa relasyon nila ni Ellise Joson noon.

Inamin ng dalawa na mahigit isang taon silang nagka-hiwalay, ito ang ibinahagi nila sa kanilang vlog noong October 27, 2021.

TANONG PA NI ELISSE KAY MCCOY :

“Tapos sa isang taon na ‘yun, nang nag-break tayo, malala. Tipong hindi tayo nag-uusap talaga, hindi nagpapansinan. Ito, tanong, umabot ka ba sa point na you hated me after breakup?”

SAGOT NAMAN NI MCCOY DE LEON :

“Hindi directed sa ‘yo. Na-hate ko ‘yung isang tao kasi sobrang mahal ko. Kasi kung hindi ka naman importante sa akin, kahit anong gawin mo sa akin wala akong pakialam. Gets mo? Nasa point na naging artista tayo, lahat ng comment ng tao, maririnig mo, lahat ng puwedeng gawin sa ‘yo ng isang tao, pangit man o hindi, makikita mo,”

Nabanggit rin ni Elisse at Mccoy kung paano sila muling nagkita, ani pa nila na sa isang coffee shop at simula noon ay tuloy-tuloy na ang kanilang pag-uusap.

Samantala, ngayong araw lang ay ibinahagi ni Ellise Joson at Mccoy de Leon na nagbunga na ang kanilang pagmamahalan.

Ipinasilip na nina Mccoy de Leon at Elisse Joson ang unang litrato ng kanilang baby girl na si Baby Felice.

Ito ang unang pag-amin nina Mccoy de Leon at Elisse Joson sa Pinoy Big Brother Season 10 ngayong araw lang at inimbitahan pa nila maging ninong si Big Brother.