Pinag-uusapan pa rin sa social media ang biglang pagha-hang o unresponsive ng komedyante na si Boobay.
Ito’y nangyari nga sa live guesting nito sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong April 20.
Labis na nag-alala ang host ng programa na si Boy Abunda at kanyang mga kaibigan sa nangyari kay Boobay.
Kabilang sa mga kaibigan ni Boobay na nag-alala sa kanya ay ang mag-asawang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Maging ang ex-jowa ni Boobay na si Kent Resquir ay hindi rin maiwasang mag-alala sa kanya.
Pero bukod sa pag-aalala, ibinunyag din ni Kent na personal niyang nasaksihan ang pagha-hang ni Boobay.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Kent na una niyang napansin ang tila se!zure episodes ni Boobay noong magbakasyon sila nito sa El Nido, Palawan.
Pagbabalik-tanaw niya, “At first, I thought he was just daydreaming or lost in\ thought, but as the days went on, I noticed it happening more frequently.”
Tulad nga ng nangyari sa live guesting ni Boobay kasama si Tito Boy, bigla rin daw naging unresponsive si Boobay.
Pagkatapos nito, bumabalik naman daw sa reyalidad si Boobay na parang walang nangyari.
Kwento niya, “Boobay would suddenly stop mid-sentence and stare blankly into space for a few seconds before snapping back to reality and trying to continue the conversation as if nothing had happened.”
Iniligtas si Boobay
Naibahagi ni Boobay noon na si Kent na isang registered physiotherapist ang nakadiskubre na siya ay inaatake ng str0ke noong 2016.
Ginamitan siya nito ng F.A.S.T. o ang pag-test ng facial weakness, arm weakness, speech difficulties, at time to call 911.
Nahirapan daw si Boobay na itaas ang kanyang kamay at hindi niya rin mabanggit ang mga salitang ipinapabanggit sa kanya.
Kent, pinayuhan si Boobay na magpatingin sa doktor
Ilang beses daw itong nangyari kay Boobay at naisip niyang maaari itong mangyari habang nagtatrabaho si Boobay.
Dahil sa labis na pag-aalala, pinayuhan daw niya ito na magpatingin na sa isang neurologist.
Ani Kent, “I mentioned what happened to him and he has to seek his neurodoctor. He always say yes, but he was stubborn. He is still scared of going to hospital. I even contacted St. Luke’s to find a neurosurgeon.”
Inamin naman ng ex-boyfriend na nag-aalala pa rin siya sa komedyante kahit na hiwalay na sila nito.
Ani Kent, “Yes, we broke up but I still care for him. And yes, I am still his manager when it comes to his health because he is precious to me.”
Matatandaang noong 2021, inamin ni Boobay na naghiwalay na sila ng nobyo matapos ang mahigit walong taong pagsasama.
Ngunit hindi nagbigay ng detalye si Boobay hinggil sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.