Free Hug mula sa taong grasa na yumakap sa isang reporter, mahigit isang dekada ng nawawala!

Free Hug mula sa taong grasa na yumakap sa isang reporter, mahigit isang dekada ng nawawala!

Viral kamakailan ang pagyakap ng isang babaeng palaboy sa isang ABS-CBN reporter habang nagbabalita ito.

Marami ang natuwa sa eksena sa pagitan ng reporter at ng babaeng palaboy na lumapit sa kanya habang siya ay nagbabalita.

Sa ilang larawan ay makikitang hindi tinaboy ng reporter ang nasabing palaboy bagkus ay hinayaan niya itong yakapin siya. Kaya naman caption ng ilang netizens sa mga larawan ay “free hug” dahil naka-libre ng yakap sa reporter ang babaeng palaboy.

Samantala, tila blessing in disguise naman ang pagyakap ng babaeng palaboy sa reporter dahilan para makunan siya ng larawan.

Makalipas lamang kasi ang ilang araw mula nang mag-viral ang kanilang mga larawan, isang netizen ang nag-post at kini-claim niyang ang babaeng palaboy na yumakap sa reporter ay ang kanyang tiyahin na mahigit isang dekada na nilang hinahanap.

Sa Facebook post ng netizen na si Patricia Pangilinan Macaldo, mangiyak-ngiyak siyang nanawagan ng tulong sa marami para mahanap na ang kanyang tiyahin na si Nena Liboon Pangilinan na noong 2008 pa umano nawawala.

At bagaman hindi pa kumpirmadong ito nga ang kanyang Tita Nena, sinabi ni Patricia na malakas ang kanyang pakiramdam na ang babaeng palaboy nga ang kanyang tiyahin na matagal nang nawalay sa kanila.

“Tita nena sana ikaw nayan sana makita kana namin sobrang tagal ka namin hinihintay na umuwe at hinanap kadin ng mga kapatid mo si lola bago pumanaw alam kong gustong gusto ka nya makita kapg naluluwas ako pa manila lahat tlaga ng mga palaboy tinitingnan ko nagbabakasakali tlaga akong makita ka pero wala kung sno man po may alam or nakakita sa kanya plss po pm nyo po kami sobrang miss na namin ang tita namin halos mahigit isang dekada na syang nawawala plsss po sana makita na namin sya ramdam ko ikaw tlaga yan,” ani Patricia sa kanyang post.

Samantala, batay sa mga ibinahaging larawan ni Patricia ng kanyang Tita Nena ay kapansin-pansin nga ang malaking pagkakahawig nito sa babaeng palaboy na yumakap sa reporter.

Kaya naman ngayon ay nagtulong-tulong ang maraming netizens na i-share ang post ni Patricia para mahanap na ang nawawala nilang tiyahin.

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES