Gastos ni Kris Aquino sa pagpapagamot sa kanyang karamdaman, aabot umano ng bilyones

Gastos ni Kris Aquino sa pagpapagamot sa kanyang karamdaman, aabot umano ng bilyones

Nawindang ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa halaga ng perang gagastusin ng dating TV host at actress na si Kris Aquino sa pagpapagamot nito sa Amerika.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isang “one in a million” o napakabihirang karamdaman ang dumapo kay Kris.

Ipinaalam din nito kamakailan sa kanyang followers sa social media na mawawala muna siya ng dalawang taon para magpagamot at tutukan ang ilang improvement sa kanyang kalusugan sa Houston, Texas.

Para naman sa hindi nakakaalam, kaya kinakailangang lumipad papuntang Amerika ni Kris ay dahil naroon ang kanyang mga doktor at doon lamang umano available ang treatment o gamot para sa kanyang rara autoimmune disease.

Sa pambihirang karamdaman at pagpapagamot nga ni Kris sa Amerika, napag-usapan ni Nanay Cristy sa kanyang show na “Showbiz Now Na” ang posibleng halagang gagastusin niya.

Tila naloka si Nanay Cristy dahil aniya, tinatayang aabot umano sa bilyon ang dalawang taong halaga ng pagpapagamot ni Kris sa kanyang karamdaman sa Amerika.

Saad pa niya, “Pero alam mo, pagka nag-a-addition addition, naku talagang lahat ng pagdagdag ng mga numero, grabe pala. Bilyon pala aabutin ng dalawang taon niya.”

Sumang-ayon din siyang ang lahat ng pera umanong naipon ng isang tao ay mistulang mawawala na lamang sa isang iglap kapag nagkasakit ito katulad nga sa sitwasyon ni Kris.

“Alam mo totoo ‘yung kasabihan ano, lahat ng meron ka, lahat ng naipon mo, lahat ng pwede mo pang hugutin, isang sakit lang ang katapat mo. Totoo ‘yon,” giit pa ni Nanay Cristy.

Sa kabila nito, naniniwala naman si Cristy na hindi mauubusan ng pera si Kris dahil marami umanong pera ang dating host-actress at maging ang pamilya nito.

Ani Nanay Cristy, “Si Kris naman, hindi kakapusin. Unang-una, bilyones naman ang meron sila, ibang mga kapatid niya.”

Dagdag pa niya, “Pero iba siyempre pag ‘yung sarili niya. Pero sa tagal na ng gamutan na pinagdadaanan niya, nabawasan na ng malaki.”

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES