Girlfriend ni Sandro Marcos na si Alexa Miro, kilalanin

Girlfriend ni Sandro Marcos na si Alexa Miro, kilalanin

Usap-usapan ngayon sa social media ang singer at aktres na si Alexa Miro. Ito ay matapos mapabalitang siya diumano ang girlfriend ngayon ng panganay na anak ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Sandro Marcos.

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Sandro? Mula kasi nang tumakbo bilang presidente ang kanyang ama ay naging mainit na sa mata ng publiko ang 27 taong gulang na binata. Bukod kasi sa pagtakbo niya bilang representative ng 1st District ng Ilocos Norte at pagiging baguhan sa pulitika, naagaw din ni Sandro ang atensyon ng publiko lalong-lalo na ng kababaihan dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan at karisma.

Kaya naman hindi maiwasan ng marami na usisain ang buhay pag-ibig ngayon ng batang congressman. At isa nga sa mga itinuturong babae na nagpapatibok umano ngayon sa puso ni Sandro ay ang 26 years old singer-actress na si Alexa Miro.

Ito ay matapos mapanood ng maraming netizens ang Facebook live video kamakailan ni Sen. Bong Revilla kung saan mapapanood ang pabirong pang-uusisa ng asawa nitong si Lani Mercado kay Sandro patungkol sa love life nito ngayon.

Sa nasabing video ay inamin nga ni Sandro na in a relationship siya ngayon. Kinumpirma rin niya kay Lani na taga-Bacoor, Cavite ang kanyang girlfriend.

Lingid sa kaalaman ng lahat, incoming Bacoor representative si Lani at nagkita nga sila ni Sandro sa inauguration ni incoming Vice President Sara Duterte nitong Linggo, June 19 sa Davao City.

Matapos ngang aminin ni Sandro na may girlfriend na siya, agad na kinilala ng netizens ang sinasabing girlfriend niya na taga-Bacoor. Dito na nadiskubre ng maraming netizens na si Alexa pala ang tinutukoy ni Sandro sa video na girlfriend niya.

Kasunod nito, kinumpirma rin ng kampo ni Alexa sa writer na si Gorgy Rula ng Pilipino Star Ngayon na totoo ngang magkasintahan sila ni Sandro.

Ayon sa ilang balita, noong 2021 pa umano nagsimula ang relasyon ng dalawa, kaya lang ay pinili raw nilang isapribado ito. Lumabas din ang balitang kaya umano pinili ng dalawa na ilihim ang kanilang relasyon dahil may tumututol umano dito.

Gayunpaman, sa kabila ng mga taong humahadlang sa kanilang relasyon, nanatiling matatag ang relasyon nina Sandro at Alexa.

Sa katunayan, napabalitang kakauwi lang ng dalawa mula sa kanilang masayang bakasyon sa Europe.

Samantala, para naman sa mga hindi nakakakilala kay Alexa, napapanood siya ngayon sa TV5 noontime show na Launch Out Loud bilang host.

Kilala rin si Alexa sa showbiz bilang isang magaling na singer at aktres. Ilan sa mga teleseryeng pinagbidahan niya ay ang “Precious Hearts Romances Presents: Araw-Gabi” na napanood noong 2018.

Bumida rin si Alexa sa pelikulang “A Girl and a Guy” na mapapanood ngayon sa sikat na streaming site na Netflix.

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES