Herlene Budol, pasok umano sa TOP 5 kung sumali sa Miss Universe

Kakatapos lamang ang coronation night ng Miss Universerse 2022 noong January 15, 2023, ngunit nabigong masungit ni Celeste Cortesi ang korona bilang pambato ng Pilipinas.

Kaya naman samo’t saring komento mula sa mga netizens ang natatanggap ngayon ng Beauty Queen, maraming celebrities rin ang nagpa-abot ng kanilang pagmamahal para kay Celeste Cortesi.

Gaya na lamang ng Beauty Queen na si Herlene Nicole “Hipon” Budol, sa kanyang Facebook post ibinahagi niya ang sweet message para kay Celeste Cortesi.

Aniya”; Celeste maganda ka pa din. We love you. Ako nga na budol e,”

Samantala, isang netizen naman ang nagkomento sa Facebook post na ito ni Herlene Nicole Budol.

Ayon sa netizen, kung sakaling si Herlene umano ang sumali sa Miss Universe ay pasok or nakuha nito ang Top 5 spot.

“Siguro kung ikaw nag join sa MU kahit panu nakasali ka sa top 5.” komento ng netizen.

nakakatuwang sagot naman ni Herlene; “Malabo bobo po ako haha,”

Tungkol naman sa mga bashers at sa mga bumabatikos kay Celeste Cortesi dahil na rin sa pagkatalo nito sa Miss Universe 2022, may mensahe ang content creator na si Steven Bansil.

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi niya na kung masakit daw ang nangyari sa Pinoy pageant fans, mas masakit daw ito kay Celeste Cortesi dahil siya raw ang sumira sa 12 years na winning streak ng mga kandidata sa semi-finals at finals, na sinimulan ni Venus Raj noong 2010.

Aniya; “As I browse through my news feed I feel really bad for Celeste Cortesi. Dami ko nababasa na her performance daw kasi is weak, kesho shes not yet ready at malayo daw kasi yung dating niya kay Pia at Catriona. And the worst part is, siya daw sumira sa 12-year semifinal placement streak ng Philippines sa Miss Universe.”

“Imagine how she feels to disappoint the whole nation after months or grueling preparation. Kung kayo disappointed, malamang mas mabigat to para sa kaniya. Wag kayong harsh mga accla! The contenders this year are really strong and it’s a competition after all, we lose some, we win some.”

“Bawi na lang tayo next year! Congratulations pa rin Ms. Celeste Cortesi, you’re beautiful and thank you for representing the Philippines!,”

Bago naganap ang Coronation night ng Miss Universe 2022 ay nagkakainitan sa social media ang mga fans ni Miss Philippines at Miss Thailand.

Itinanghal na Miss Universe 2022 ang pambato ng USA na si R’Bonney Gabriel, na isang half-Pinay, kaya naman masaya na rin ang mga Pilipino.