Herlene Budol, wala raw utang na loob ayon sa source ni Cristy Fermin

83 Shares

Ibinunyag ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na binabatikos umano ng mga kaibigan ni Elizabeth “Elize” Estrada ang dati niyang alaga na si Herlene Nicole Budol o “Hipon Girl”.

Sa pinakabagong episode ng kanyang programang “Cristy Ferminute”, sinabi ni Cristy na bina-bash ngayon si Herlene ng mga kaibigan ni Elize matapos ang ginawang pagrereklamo ni Herlene kamakailan sa programa ni Sen. Raffy Tulfo na “Wanted Sa Radyo” kung saan tila pinapalabas umano nitong mukhang pera si Elize.

Rebelasyon pa ni Cristy, ilang kaibigan umano ng dating manager ni Herlene na nakakaalam sa tunay na kwento ang nagsabi sa kanya na may pag-uusap na raw na nangyayari sa pagitan nina Herlene at Elize bago pa ito dumulog sa programa ni Sen. Raffy.

Nagtataka nga raw ang mga kaibigan ni Elize kung bakit pa isinapubliko at idinulog ni Herlene ang problema nila sa tanggapan ng programa ng senador kung may nangyayari na umanong usapan sa pagitan nila ni Elize.

Bukod dito, ipinagtataka rin daw ng mga kaibigan ni Elize kung bakit ngayon lamang nagreklamo si Herlene tungkol sa isyu kung 2020 pa umano ito nangyari.

Hinuha naman daw ng mga kaibigan ni Elize na kaya dinala ni Herlene ang isyu sa programa ng senador para mas mapag-usapan daw ito.

Ani Cristy, “Nakakaloka binabash ngayon si Herlene lalo na ng mga kaibigan ni Elize. Kasi meron na palang [nangyaring] pag-uusap [pero] nagpunta pa sa programa ni Senador Raffy Tulfo…Panahon pa po ng pandemya why ngayon lang inireklamo.”

Nabanggit nga ni Cristy na tinawag umano na “walang utang na loob” ng mga kaibigan ni Elize si Herlene.

Pagkatapos daw kasi itong tulungan ni Elize na magka-raket at pagserbisyunan ng pamilya nito noong walang-wala ito ay ipinahiya pa raw ito ni Herlene sa publiko.

Ani Cristy, “Tignan mo ah Romel, siya ang lumapit kay Elize. Walang pinirmahang kontrata. Pinatira siya ni Elize sa bahay nila. Pati ‘yung aso niya, ‘yung alaga niyang aso.”

Patuloy niya, “Alam mo ba na habang nakatira siya kina Elize, ginawa pang driver pati mommy ni Elize? Kunwari, pupunta ng Angono kasi du’n siya nakatira, diba? Babalik dun sa bahay ni Elize, para maging kombinyente ‘yung kanyang travel dahil napaka-traffic, pamilya na ni Elize ang nagseserbisyo sa kanya.”

Dagdag pa niya, “Sabi mismo nung mga nakausap ko na kaibigan ni Elize, ‘Wala pong utang na loob Nanay ‘yun, si Hipon. Unang-una siya ang lumapit, hindi naman siya kinuha. Tapos nakitira pa.”

Samantala, sinabi naman ni Cristy na sobra umanong nainsulto si Elize sa mga naging pahayag ni Herlene laban sa kanya sa programa ng senador.

Ani Cristy, “Dapat daw hindi na papansinin ni Elize ‘yung mga ganito, nainsulto. Nainsulto si Elize dahil masyado naman siyang siniraan at ginawang mukhang pera e kay liit-liit lang naman pala nu’ng perang hinahabol nitong girlash na ito, diba? Nakakaloka.”

Matatandaang kamakailan ay nagtungo si Herlene sa programang “Wanted sa Radyo” ni Sen. Raffy para ireklamo ang ginawang panloloko umano ni Elize sa kanya kung saan hindi umano nito ibinigay sa kanya ang kanyang mga kinita para sa taong 2020 hanggang 2021 na nagkakahalaga raw ng humigit-kumulang 1 milyong piso.

Samantala, kasunod nito ay mariing itinanggi ni Elize ang mga alegasyon ni Herlene laban sa kanya.

Sa pamamagitan ng isang direct message sa PEP, sinabi ni Elize na marami siyang gustong linawin hinggil sa mga alegasyon na ibinato ni Herlene laban sa kanya na sobra umanong “damaging” sa kanyang kredibilidad at pribadong buhay.

Nangako rin siya na maglalabas ng opisyal na pahayag para tugunan ang lahat ng alegasyon na binitawan ni Herlene laban sa kanya.

83 Shares
Scroll to Top