Herlene “Hipon” Budol, ipinasilip ang bagong bahay na regalo sa kanya

Herlene “Hipon” Budol, ipinasilip ang bagong bahay na regalo sa kanya

Sa latest video ni Herlene Nicole “Hipon Girl” Budol sa kanyang Youtube channel ay ipinasilip na niya ang kanyang bonggang brand new house and lot.

Inihayag niya sa kanyang bagong video na ito ang matagal na umano niyang pangarap para sa kanyang pamilya, ang magkaroon ng sariling bahay at lupa dahil maraming taon na silang naninirahan sa isang bahay na walang kisame. 

Masaya rin umano siyang maparanas sa lolo niya ang ganito ngunit nakakalungkot lang na di na pala ito naabutan ng kanyang lolang si Nanay Bering. 

Ang bahay at lupa niya ay naka locate sa Angono, lalawigan ng Rizal, ang lugar na kanyang nirepresinta sa Bb. Pilipinas. 

Sa parehong vlog ay sinabi rin niya na ito ang unang dahilan bakit siya sumali sa Bb. Pilipinas na kahit nu’ng una raw ay hindi niya nakikitaan ng potential ang kanyang sarili para sa malaking patimpalak na ito, pero inofferan umano ito ni Wilbert Tolentino ng house and lot kung sakaling sasabak siya sa beauty pageant.

Aniya pa, “Eto yung unang dahilan kung bakit ako sumali ng Bb. Pilipinas.”

“Yung unang tao na nagpush sa akin, nakakita ng potential bilang beauty queen ay si Sir Wilbert talaga.”

“Sabi ko nung una, ayoko dahil ayoko talaga. So parang kabaliktaran siya ng buhay ko.”

“Hindi ako sobrang pa-girl, hindi ako demure, hindi ako proper, hindi ako yun, at eto yung dahilan kung bakit niya ako na-push.” 

“Ang unang minotivate niya sakin, ‘Nak sumali ka. Hindi naman para sakin to eh, para sayo to eh.”

“Sabi ko Ma ‘wag, baka mapahiya lang kita. Sabi ko, hindi ako magaling na tao, hindi ako para dyan.”

“Alam niyo kung ano ang ginawa niya, hindi talaga siya tumigil na ipush ako everyday, kung magkikita kami. Sabi niya sa akin kaya mo yan.”

 “Alam niyo inoperan niya ako, gagawin ko sayo yung ginawa ko kay Madam Inutz, pumasok siya ng PBB, bibilhan ko siya ng bahay. Pumasok ka ng BBP, bibilhan kita ng bahay. Sino ba namang tanga ang hindi papayag dyan.”

“Yun yung unang dahilan, praktikal na tayo, di naman kami mayaman ng pamilya ko, kung nakikita niyo naman sa vlog namin. Wala kaming kisame, mainit yung bahay namin, magulo yung bahay namin.”

 “At isa yun sa mga pangarap ko na magkaroon kami ng bahay.” “Kahit anong trabaho ko, kahit sampung taon pa ako magtrabaho, makakabili ako ng bahay pero matagal na panahon.” 

“Iniisip ko yung lola’t lolo ko na 84 na, 81, hindi na mahaba yung buhay nila. Gusto ko na maranasan nila na tumira sa maayos. Hindi na naabutan ni Nanay, wala na siya.”

“Kasi yung araw na ‘to, eto yung araw na bibilhin na ni Sir Wilbert ang bahay. Yung yung mga panghihinayang ko na sayang, hindi naabutan ni Nanay Bireng.”