Herlene Nicole “Hipon” Budol, hindi pa raw pwedi sa International pageant ayon kay Cristy Fermin

Herlene Nicole “Hipon” Budol, hindi pa raw pwedi sa International pageant ayon kay Cristy Fermin

Nagbigay ng pahayag ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin sa kanilang Youtube program na “Showbiz Now Na”, isa sa kanilang naging paksa ay ang recent Bb. Pilipinas candidate na si Herlene Nicole Budol.

Sa pahayag ni Cristy Fermin nagbigay siya ng kaniyang “honest statements” tungkol sa naging performance ni Herlene sa Bb. Pilipinas 2022 at nagsalita rin ang kolumnista tungkol sa mga fans ng komedyante na patuloy kini-kwestyon ang naging resulta ng nasabing beauty pageant.

“Napakaganda nu’ng sinabi ni Hipon na siya ay isang hindi inaasahan na contestant. Na ang kahirapan ay hindi po talaga hadlang sa ating mga pangarap. At totoo naman, kaya lang may mga nagwawarla siyang mga tagasuporta. Bakit daw hindi siya nakakuha ng isa man lang du’n sa major awards?” ani Cristy Fermin.

Alam umano ni Cristy na baguhan pa lamang si Herlene sa pageant industry kaya paalala niya sa mga fans ng komedyante na hindi pa talaga masusungkit ni Herlene ang korona para sa mga major awards sa Bb. Pilipinas.

“Eto naman po, magpakatotoo naman po tayo, mga ka-chika. Bagito po si Herlene, binigyan nga po siya ng napakagandang espasyo sa Binibining Pilipinas, pero alam naman po natin na talagang hindi po siya magkakaroon ng isang major award sa patimpalak.”

“Malayo pa, marami pa po siyang isasaing na bigas at kakainin.”

“’Wag po natin hanapan si Hipon ng isang pangmalawakan at pangbanyagang labanan. Hindi po niya kakayanin, baka makita na lang natin siyang hinihimatay. Bagito siyang masyado, marami pa po siyang pagdadaanan. Napag-aaralan naman ‘yan e.”

“Alam na natin ‘yun, pagka merong beauty pageant, naku ‘pag nakukuha mo na ‘yung mga special awards… alam mo na ‘yon. Hanggang diyan ka na lang, ‘wag ka nang umasa ng mas malaki pa.” pahayag ni Cristy Fermin.