Herlene Nicole “Hipon” Budol, inalala ang joke sa Wowowin na sasali siya sa Bb. Pilipinas

Herlene Nicole “Hipon” Budol, inalala ang joke sa Wowowin na sasali siya sa Bb. Pilipinas

“Alam mo ba, Wil, sasali ako ng Binibining Pilipinas? Magpapatalino lang ako ng onti,” sambit ni Herlene sa isang segment ng Wowowin.

Yan nga ang mga nasambit ni Herlene Budol sa isang segment ng Wowowin na kung saan pabiro niyang binitawan na sasali siya sa Bb. Pilipinas.

Ibinahagi ito ni Herlene sa kanyang official Facebook page dahil umano sa mga napapanuod niyang short clips sa social media kalakip ang kanyang journey sa pagsali sa nasabing beauty pageant.

Sa caption ni Herlene; “Natouch ako dto sa nag edit ng video nito. How time flies so fast…yung lumabas lang sa bibig ko na sasali ako Binibining Pilipinas na pa joke lang nung TV host pa ako sa Wowowin. d ko lubos maicip na destiny pala at dto ako napunta. kaya sobrang pag papasalamat ko kay Sir Wilbert Tolentino at nakita mo ang potential ko at kakayahan ko. Dream become reality”

Kung matatandaan natupad ni Herlene Budol ang kanyang mga biro na sasali siya sa Bb. Pilipinas, nasungkit pa nito ang korona bilang first runner up.

Sa grand coronation night nga ng Bb. Pilipinas 2022, marami ang nagsigawan mula sa mga audience dahil nagmistulang “hakot Queen” ng special awards si Herlene Nicole Budol.

Sa coronation night ng Bb. Pilipinas, ilang beses rin pumagitna sa stage ng Araneta Coliseum si Herlene dahil halos lahat na ng special awards ay nasungkit na ng komedyante.

Nakuha ni Herlene Nicole Budol ang mga special awards na Bb. Shein, Ms. Pizza Hut, Ms. Kumunity, Jag Queen, Miss Silka, Bb. Kumu at Bb. World Balance.

Samantala wala ring tigil ang mga sigawan at palakpakan na nakuha ni Herlene Nicole Budol mula sa judges at sa mga audience dahil sa kanyang mga sagot sa Binibining Pilipinas 2022.

Kitang-kita rin sa mukha ng manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino ang kaba habang nag aantay siya sa sagot ni Herlene sa Q&A.