Ina pinabayaan na ng kanyang mga anak, gumagapang sa lupa dahil sa gutom!

43K Shares

Ina ang nagsisimbolo bilang ilaw ng ating mga tahanan at tunay na nagmamahal sa kanyang mga anak na walang hinihinging kapalit.

Ang ating mga magulang ay may simpleng hiling lamang sa kanilang buhay at yun ay ang makapagtapos ang kanilang mga anak sa kanilang pagaaral upang gumanda ang kanilang kinabukasan.

Isa rin sa mga hiling ng ating mahal na ama’t ina ay ang may mag-aalaga sa kanila sa kanilang pagtanda.

May mga anak rin na hindi nila ibinabalik sa kanilang mga magulang ang pagaalaga at pagmamahal na kanilang natanggap, tulad nalang kay nanay Gloria na sobrang hirap sa kanyang buhay.

Totoo nga ang kasabihan na “kayang alagaan ng ng isang ina ang marami niyang anak, pero hindi kayang alagaan ng maraming anak ang kanilang nag-iisang ina”.

Hindi na rin makalakad si nanay Gloria dahil sa katandaan at sa gutom kaya naman gumagapang nalang ito upang maka-paghanap ng kanyang makakain sa pangaraw-araw.

Humihingi ng pagkain si nanay Gloria sa kanyang mga kapitbahay dahil pinabayaan diumano ito ng kanyang mga anak, ang kanyang mga anal umano ay malapit lang rin sa kanilang lugar.

Ngunit ang masaklap rito ay inuutusan parin nila si nanay Gloria na mamili sa palengke kahit na gumagapang nalang ito.

kapag hindi raw sumunod si nanay Gloria sa kanyang mga anak lalo na sa kanilang mga utos ay hindi raw ito pinapakain ayon sa kanilang mga kapitbahay.

Hindi na rin kaaya-aya ang amoy ni nanay Gloria kaya naman isang netizen ang humingi ng tulong sa social media upang manawagan dahil walang pakialam ang mga anak ng Ginang.

Ibinahagi ang mga larawan na ito sa Facebook post ni Prieto Orgal na may caption na…

“Siya si nanay Gloria Ybanez tiga Molave, Barangay Talisay Agusan Del Norte hindi na siya makatayo at gumagapang nalamang inuutusan pa ito ng mga anak niya para mamili dahil pag hindi ito sumanod ay hindi ito papakainin, kita sa mukha ng ginang na nahihirapan na ito at naiiyak nalang. sana’y matulungan po si nanay”

Copy link
Powered by Social Snap