Isang Ama humiling ng huling sayaw bago bawian ng buhay!

814 Shares

Humiling ng huling sayaw ang isang ama sa kanyang mga anak bago ito bawian ng buhay dahil sa malalang karamdaman.

“Isayaw niyo ako bago ako magpahinga”

Ito ang katagang binitawan ng isang ama sa kaniyang mga anak bago ito magpahinga ng tuluyan at malagutan ng hininga, ito ang ang huli niyang mga mensahe na iniwan na dumurog talaga sa mga puso ng mga netizens sa social media.

Hindi talaga mapigilang umiyak ng kanyang mga anak sa isang viral TikTok video habang isinasayaw na nila ang kanilang mabuting ama habang ipinapatugtog ang paborito nitong musika noong malakas pa ito.

Dahil sa malalang karamdaman kaya bumagsak ang katawan ng kanilang ama, dahil dito isa-isa na niyang pinatawag ang kaniyang mga anak upang makapiling nito sa huli niyang mga sandali.

kaya naman nag tipon-tipon ang kanyang mga anak at kanyang mga apo upang makita ang kanilang Padre de pamilya na nagbigay ng buhay sa kanila at nagbigay rin ng magandang kinabukasan.

Sa mga huling sandali ng kanilang ama ay itinayo nila ito at ipinatugtog ang musika na nais nitong marinig habang isinasayaw siya ng kanyang mga mahal sa buhay.

Habang isinasayaw ang kanilang ama, nagbibigay siya ng mga payo at sinabing “mahal na mahal ko kayo mga anak ko”.

At dito na tuluyang nawalan ng malay ang kanilang ama habang yakap-yakap ang kaniyang mga anak.

Copy link
Powered by Social Snap