Isang Ama iyak ng iyak dahil ninakaw ang pera na pambili sana ng gamot at gatas para sa anak na may sakit!

1.8K Shares

Napaiyak nalang ang isang ama matapos tangayin ng isang magnanakaw ang kaniyang pera na nakalaan sana sa pang-gatas at gamot ng kaniyang anak na may sakit.

Si Melvin Dela Cruz ang lalaking umiiyak sa isang panayam na taga Tuapac, Dagupan City PH, umiiyak ito habang kinikwento ang nangyari sa kanya.

Ninakaw diumano ang pinag-ipunan niyang pera na pinaghirapan sa loob ng dalawang buwan na nagkakahalaga ng Php 6,000.

Ayon kay Melvin Dela Cruz na ang bag niya na kung saan nakalagay ang kanyang pera ay nakalapag sa isang lamesa, habang busy diumano ito sa kanyang patahian (tailoring shop).

May isang tao raw na nagpanggap umanong customer na suspek sa pagkawala ng kanyang bag na may lamang pera.

Dito nalang nalaman ni Tatay Melvin na natangay na ang kanyang bag dahil napansin niyang nawawala na ito sa lamesa na pinaglagyan niya kasabay sa pagkawala ng nasabing customer.

Makikita sa mga larawan na si Tatay Melvin ay iyak ng iyak dahil nanghihinayang siya sa perang nawala, matagal niya itong pinag-ipunan kaya sobra ang sakit na kanyang nararamdaman noong mawala ang bag ni Tatay Melvin.

Gagamitin sana nito ang pera para sa kanyang anak na may sakit, nakalaan rin sana ang pera na iyon para sa kanyang maintenance na gamot (highblood) ngunit masakit para sa kanya ang ang pera na ito ay nawala na lamang sa isang iglap.

Kaya naman kumakatok si Tatay Melvin sa mga netizens na may busilak ang puso upang matulungan siya na makabili ng gamot para sa kanyang maintenance at gatas para sa kanyang anak.

Marami nga sa mga netizens ang naaawa sa kalagayan ni Tatay Melvin, hangad namin na marami ang bukal sa inyong mga kalooban ang tumulong upang maibsan ang sakit at paghihirap na nararamdaman ni Tatay Melvin sa ngayon at makabili ng gatas para sa kanyang anak.

At sa mga nais tumulong, makipag-ugnayan kay Tatay Melvin, upang matulungan natin si Tatay Melvin para sa kanyang Pamilya.

Copy link
Powered by Social Snap