Isang Ama, kanin at tubig lang ang order sa isang fast food!

Isang Ama, kanin at tubig lang ang order sa isang fast food!

Sa panahon ngayon, tayo ay dumaranas ng malaking mga pagsubok dahil sa pandemya.

Marami sa atin ang nangangailangan ng tulong o di kaya tayo ang maging daan upang magbigay ng tulong para sa ibang tao.

Apektado ang lahat dahil sa pandemya, kaya naman marami talaga sa atin ang hirap na nga sa buhay mas lalo pang humirap ang buhay dahil sa pandemya.

Isa na rito ang kwento ng lalaking nagviral sa social media na umantig sa puso ng mga netizens at sa puso ng mga taong nakabasa sa isang viral post na ito.

Sa nasabing viral post, ibinahagi ng isang netizen ang kwento ng isang lalaki na nakunan niya ng mga larawan na umorder sa isang fast food.

Ang netizen ay si Earl Calextro, ani pa niya na nasaksihan niya ang pag-order ng isang lalaki habang siya ay kumakain sa isang fast food chain sa Pampanga.

Pumasok raw ang isang lalaki sa kainan at umorder ng isang cup of rice at tubig lamang.

Sobrang naawa si Earl sa nasabing lalaki habang nakikita niyang kumakain ito na walang ulam, kaya naman nilapitan niya na ito at tinanong, kinausap tsaka inalok niya ito ng iba pang pagkain.

Humihingi rin si Earl ng tulong sa mga netizens kung sino ang nakakakilala kay Tatay upang matulungan na rin itong makauwi sa kanilang probinsya.

FB VIRAL POST :

“Kanina napadpad ako sa Pampanga. Nag lunch ako sa McDonald’s near SM. Si Tatay pumasok then umorder.”

“After nun naupo sya malapit sa table ko. Pagdating nung order nya. 1 cup of rice and water lng. Kinakain nya rice lang. Nilapitan ko si Tatay tinanong ko kung gusto pa nya ng makakain. Oo daw kasi nagugutom sya pero kulang pera nya.”

“So inorder ko sya ng makakain. Pagbalik ko sa table nya may chicken fillet na. Binigay nung crew. (thank you sa buong staff at crew ng McDonald’s san fernando malapit sa SM,di kayo nag dalawang isip tulungan si Tatay.”

“Yung order ko para sa knya pina take out ko nalang para may pagkain pa sya mamaya. Kinausap ko sya sandali pero hindi ko sya maintindihan masyado kasi sobrang nanginginig sya. Siguro sa sobrang gutom. Plus hirap na din sya magsalita. Ang nakuha ko lang na information is taga TACLOBAN daw sya.”

“Napunta lang sya sa Pampanga para humanap ng work. Sa kasamaang palad inabutan siguro ng lockdown. Sa mga may kakilala sa Tacloban baka po nakikilala nyo si Tatay. At sa iba pang gustong tumulong. Sana makauwi na sya sa knila”

“Kahit ano man pong pagsubok ang pinag dadaanan nating lahat ngayon. Nakaka angat ka man sa buhay or simpleng mamamayan ka lang. Gawin mong tumulong sa kapwa mo lalo na dun sa mga nangangailangan talaga. Promise ang sarap sa pakiramdaman. Ingat tayong lahat. Matatapos din tong pandemic na to. Godbless.”