Nagpaalam na si Jake Zyrus sa kanyang mga kaibigan at follower sa social media para tutukan ang kanyang pagpapagaling.
Magpapahinga raw muna kasi si Jake sa social media para mabigyan ng buong atensyon ang kanyang mental health.
Inanunsyo ng singer ang balitang ito sa lahat ng kanyang social media accounts nitong Martes, May 23.
“Hi all! I know I don’t post a lot, but I just wanted to let you guys know that I’ll be taking a break from social media for a few weeks to focus on my mental health,” base sa kanyang caption.
Marami umanong tao ang sinusubukan siyang sirain at ito ang kanyang paraan ng pakikipaglaban.
“It’s been a rough ride. A lot of people have tried to break me, so this is me fighting back, by healing,” ani Jake.
Naniniwala si Jake na mahirap ang gagawin niya ngunit malaki naman ang tulong na maibibigay nito sa kanya.
“I know it’s not gonna be easy, but I also know it will help me a lot. If you’re looking for a sign to also take a break because it’s been a lot for you, this is it. Let’s do this together,” pagtatapos niya.
Matatandaang noong Marso ay naglabas ng sama ng loob si Jake matapos pilit na binubuhay ng marami ang kanyang dating katauhan na si Charice.
Bukod dito, minsan na ring naiulat na nag-pass out si Jake habang nagpe-perform sa Chicago, USA dahil umano sa sobrang kalasingan.