Jason Hernandez, lumuhod at umiyak para tanggapin muli ni Moira

Pinabulaanan ni Jason Hernandez ang mga paratang ni J’mee Dela Torre, kapatid ng kanyang dating asawa at singer-songwriter na si Moira Dela Torre.

Matapos maglabas ni Jason ng music video sa bagong kantang “Ikaw Pa Rin”, naglabas ng saloobin si J’mee sa Twitter na ngayon ay burado na.

“Nakakatawa ‘yung buong song, especially ‘yung part na “naghihintay pa rin hanggang ngayon sa ikaw at ako” kasi parang sa buong year never ka naman nag-effort sa family namin before and after kayo naghiwalay,” saad ni J’mee sa kanyang tweet.

Pinapaniwala umano ni Jason ang mga tao na mahal pa nito ang kanyang ate dahil hindi naman tumutugma ang lyrics ng kanta sa totoong nangyayari.

Dagdag pa ni J’mee, ginamit lang ni Jason si Moira para pasikatin ang kanta dahil walang permiso ang paggamit ng mga videos na kasama ang kanyang ate.

“Tapos ginamit pa ‘yung video clips from the wedding, concerts, and Tagpuan MV– without my ate’s permission? Lmao. Forda clout chasing amp. You’re getting too desperate and it’s kinda funny lol,” ani J’mee.

Lumuhod at umiyak para tanggapin muli ni Moira

Samantala, ilang oras lang ay nag-post naman si Jason sa kanyang Facebook bilang sagot sa mga paratang ni J’mee ngunit burado na rin ang post na ito.

Batay sa post, alam ni J’mee ang tungkol sa kanta at ipinakita pa niya ang lyrics nito noong July 2022.

Pinabulaanan rin ni Jason na hindi siya nag-e-effort dahil binisita niya ang mga Dela Torre hanggang December kung kailan pinahinto siya.

“I visited May, August, October, and December to give gifts for Christmas. I promised you I‘d still be your kuya no matter what. But when your mom expressed that Moi didn’t want me hanging out with you guys, I respected that that’s why I stopped visiting,” paliwanag ni Jason.

Maliban dito, ikinuwento niya kung paano niya sinuyo si Moira para ayusin ang kanilang relasyon na hindi alam ni J’mee.

Inamin ni Jason Hernandez na lumuhod at umiyak siya sa harap ni Moira Dela Torre para tanggapin lamang siyang muli nito.

Aniya, “You didnt see kung paano ako lumuhod at umiyak so she would take me back (ate lea and chai saw), you didnt see kung pano siya nag basag ng baso to shut me up, you didnt see kung pano siya galit na galit noong nagpadala ako ng food sakanya cause I thought she was sick and how she told me to never go near her again. You dont know how I would wait outside the condo sa driveway para ma-timingan lang siya kausapin.

Hinamon niya naman si J’mee na kausapin si Moira dahil tatlong linggo lang ang nakaraan nang huli silang mag-usap.

“Ask your ate, we spoke on the phone about 3 weeks ago and told her I missed her. I miss my bestfriend. That’s why I never had any other relationship before and after we broke up,” saad ni Jason.

“You call me desperate, yes, I am desperate to have her back. I made mistakes but I wanna be able to say that I did everything to make up and learn from it,” dagdag pa niya.

Matatandaang noong May 24 lang ay ni-release ni Jason ang bagong kanta kasama ang isang music video tungkol sa pananabik sa dating karelasyon kahit may kinakasama ng iba.

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang pagsali ni Jason ng mga videos mula sa kasal at concerts nila ni Moira.