Jeric Gonzales, tinawag na “cheater” at “two-timer” kay Rabiya matapos ma-spottan na may kahalikang isang lalaki

Jeric Gonzales, tinawag na “cheater” at “two-timer” kay Rabiya matapos ma-spottan na may kahalikang isang lalaki

Trending topic ngayon sa social media ang showbiz actor na si Jeric Gonzales. Ito ay matapos lumabas ang ilang larawan kung saan makikita siyang may kahilakang isang lalaki.

Unang lumabas ang mga larawan nang i-post ito ng isang netizen at ini-repost naman ng Facebook page na Isyus na pagmamay-ari ng influencer at self-proclaimed “Pambansang Marites” na si Xian Gaza.

Agad ngang pinag-usapan ng netizens ang mga larawan ni Jeric kung saan makikitang may kasama siyang lalaki na hindi naman pinangalanan ng nasabing page.

Caption ng Isyus, “GRABE KA NA 2022, ANO NA NAMAN TO?”

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na binansagang “break up year” ng maraming Pinoy ang taong 2022. Ito ay dahil sa sunod-sunod na hiwalayan ng mga kilalang couple sa showbiz man o social media.

At isa nga sa mga mainit na pinag-uusapan at controversial break up kamakailan ay ang hiwalayang Skusta Clee at Zeinab Harake.

Ngunit batay sa caption ng netizen na nag-post sa nasabing mga larawan ay mistulang may tatalo na nga umano kay Skusta sa pagiging manloloko o cheater umano nito.

Nang dahil nga sa mga larawan ay pinaratangan ng netizens si Jeric bilang “cheater” at “two-timer” dahil ipinagsasabay umano nito ang kanyang girlfriend na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at ang kasama niyang lalaki sa mga larawan.

Kung titingnan kasi ang mga larawan ay aakalain mo talagang magkarelasyon si Jeric at ang kasama nitong lalaki.

Sa isang larawan, makikita na naghalikan pa ang dalawa. Sa isang hiwalay na larawan ay kapansin-pansin naman na may suot na couple ring si Jeric at ang kasama nitong lalaki. Maliban dito, makikita rin sa isang larawan ang pagluhod ni Jeric para tanungin ang lalaki kung maaari ba niya itong maging partner.

Samantala, naungkat naman ang lumang cryptic post ni Rabiya na tila may kaugnayan umano sa pagtitiis niya sa hindi magandang pagtrato sa kanya ng isang tao.

Ani Rabi sa nasabing post, “I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn’t deserve.”

Gayunpaman, wala pang kumpirmasyon o inilalabas na opisyal na pahayag ang Kapuso actor hinggil sa mga lumabas niyang larawan kasama ang isang lalaki.

Nananatili ring tikom ang bibig ng beauty queen hinggil sa isyung panloloko diumano ni Jeric sa kanya.

Matatandaang noong Marso 16 lamang kinumpirma ng showbiz couple ang kanilang relasyon.

WATCH HERE :


RELATED ARTICLES