Nagluluksa ngayon ang aktor na si Andrew Schimmer sa pagpanaw ng kanyang asawang si Jorhomy “Jho” Rovero.
Pumanaw si Jho kahapon, December 20, matapos ang mahigit isang taong pakikipaglaban sa ospital dahil sa brain hypoxemia.
Sa isang Facebook video, umiiyak na ibinahagi ni Andrew ang mga detalye ng malungkot na pagkamatay ni Jho.
Ayon sa kanya, nasa gitna siya ng taping para sa “Family Feud” nang tawagan siya ng mga doktor tungkol sa kalagayan ni Jho.
Agad naman daw siyang pumunta sa ospital nang matanggap ang tawag.
Ngunit pagdating niya sa ospital, binubuhay na raw ng mga doktor si Jho.
Sabi naman ni Andrew na sinubukan ng mga doktor at nurse ang lahat ng kanilang makakaya para buhayin si Jho pero hindi sila nagtagumpay.
Samantala, marami ang nalungkot sa pagkamatay ni Jho.
Nadurog din ang puso ng mga netizen nang makitang umiiyak si Andrew habang ikinikwento ang pagkawala ni Jho.
Ngunit bukod dito, lalo ring nadurog ang puso ng maraming netizens nang ikwento ni Andrew na kaarawan kahapon ng kanilang bunsong anak ngunit hindi na nito naabutan nang buhay si Jho.
Umiiyak na sabi ni Andrew, “Inabutan natin siyang actually nire-revive nung ating mga doctors and nurses. They did everything they could…ang sakit lang…Ang sakit lang kasi birthday ng bunso namin mamaya. Hindi na siya inabutan ng bunso namin.”
Sa kasalukuyan ay wala pa namang ibinbahaging detalye si Andrew tungkol sa lamay ni Jho.
Matatandaang dinala sa St. Luke’s Medical Center-Global City, sa Taguig City si Jho November 1 noong nakaraang taon matapos itong atakihin ng matinding hika.
Hindi nagtagal ay idineklarang comatose si Jho matapos makaranas ng cardiac arrest at brain hypoxemia.
Nakalabas pa ng ospital si Jho noong October 10.
WATCH HERE :