Juliana Segovia, naghihirap na? binebenta ang mga korona ng Miss Q&A sa halagang P1M

Umani ng maraming reaksyon mula sa netizens ang pagbebenta ng komedyanteng si Juliana Segovia ng mga koronang napanalunan niya sa It’s Showtime “Miss Q&A”.

Matatandaang itinanghal si Juliana bilang kauna-unahang grand winner ng “Miss Q&A” noong 2018.

Kamakailan ay pumunta nga si Juliana sa pawnshop na pag-aari ng vlogger na si Boss Toyo para ibenta ang mga koronang naiuwi niya mula sa “Miss Q&A”.

Kabilang na rito ang 10 korona na napanalunan niya sa daily rounds ng “Miss Q&A” na ang bawat isa ay nagkakahalaga raw ng P20,000 o P200,000 lahat.

Binebenta rin ni Juliana ang kanyang “Miss Q&A” crown na aniya ay gawa sa Swarovski at silver at nagkakahalaga ng P450,000.

Kaya kung susumahin, humigit-kumulang P1 milyon ang halaga ng lahat ng kanyang “Miss Q&A” crowns, kasama na rito ang trophy niya bilang grand winner.

Ani Juliana, “Ang bawat isa nito ay ₱20,000 ‘yung worth niya. Ten ‘to is ₱200,000. Itong crown na ‘to is worth ₱450,000 na, the Swarovski, the silver ganiyan, plus ‘yung trophy. So, syempre napanalunan ko siya ng ₱1M so, ₱1M.”

Ayon pa kay Juliana, “Naging iconic na siya, naging iconic na ‘yung Miss Q&A.”

Samantala, tila nabigatan naman si Boss Toyo sa halaga ng mga korona ni Juliana.

Ngunit aminado siyang maganda para sa kanyang shop ang korona ni Juliana dahil may kwento raw ang mga ito.

Binabaan naman ni Juliana ang halaga ng kanyang mga korona ng P800,000 pero nabibigatan pa rin dito si Boss Toyo.

Sa huli, sinabi ni Boss Toyo na hanggang P400,000 lang ang mai-o-offer niya kay Juliana para sa mga korona nito.

Gayunpaman, tinanggihan ni Juliana ang alok ni Boss Toyo kaya naman sa bandang huli ay hindi rin niya naibenta ang kanyang mga korona.

Samantala, bagaman walang binanggit si Juliana kung bakit niya binebenta ang kanyang mga korona, hula ng ilang netizens na baka naghihirap na raw siya.

Komento ng netizens:

“Tag Hirap na din… Bong Bong pa.. HAHAHA”

“naghihirap na si accla! karma mo yan kse nandudura ka hingi ka ng tallano gold sa boss mo haha”

“naubusan na siguro ng pang allowance sa mga baby boys”

“Wala na yatang pera kaya binebenta na niya”

Wala pa namang reaksyon hinggil dito si Juliana.